Binatilyong nagreklamo sa maling number balloons na natanggap, viral
- Viral ngayon ang isang binatilyo na maling order umano na number balloons ang dumating sa kanya
- Aliw na aliw ang mga netizens sa naisipang gawin ng binatilyong nagdiriwang noon ng ika-17 kaarawan
- Reklamo niya, 17 na naumber balloons ang order niya subalit 71 daw ang dumating sa kanya
- Nagbiro pa ito ng hindi niya alam ang gagawin sa lobo dahil imbis na 17 ay magiging 71 na siya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagiliwan online ang pakulo ng binatilyong si Kyle Caagbay na nagreklamo sa umano'y maling number baloon na kanyang natanggap.
Nalaman ng KAMI na 17 ang number ballon na in-order ni Kyle para raw sa kanyang ika-17 kaarawan.
Subalit ang dumating daw sa kanya ay 71 na kabaliktaran lamang ng 17.
"So ayun birthday ko ngayon 17 na 'ko, umorder ako ng balloon na number 17, tas' dumating 71... Pano gagawin ko?" ang caption ni Kyle sa kanyang viral na post.
Makikita pa ang kanyang larawan na pinanindigan niyang 71 nga ang hawak na numero para kanyang birthday photo.
Bagama't nagbibiro lamang ito at good vibes lamang talaga ang hatid ng kanyang post, bumenta talaga ito sa mga netizens na aliw na aliw sa kanyang pahayag.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Seryoso ka po kuya? tatanda ka po niyang pag hindi binaliktad nalang!"
"Kuya, ireklamo mo yung shop kung saan ka oorder, sabihin mo babaliktarin mo na lang pero mali pa rin na wrong item pinadala nila. Peace!"
"Nasira tuloy birthday mo kuya, ang layo nga naman ng 17 sa 71. bad seller po yan. hahaha"
"Bentang-benta po sa akin itong post mo kuya, lalo na at sinamahan mo pa ng picture mo. aliw!"
"Sabihin niyo po sa seller, bad rating ibibigay niyo po. 17 ka lang gagawin kang 71?"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Samantala, sa kabila ng kwelang post na ito ng binatilyo sa kunwaring maling order, hindi naman biro para sa iba ang pagkakaroon ng fake order o prank order lalo na sa mga delivery rider.
Noong nakaraang taon, nakailang beses nang nabalita ang mga delivery rider na nabibiktima umano ng fake orders na nagreresulta sa pagkabawas ng kanilang kinita sa araw na iyon.
Ang masaklap, hanggang ngayon ay mayroon pa ring nakagagawa ng ganyan na ang pinakahuli pa ay order na nagkakahalaga ng Php13,000.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh