Pinoy Bartender, nakilala ang Finnish na nobya dahil sa isang "flying kiss"

Pinoy Bartender, nakilala ang Finnish na nobya dahil sa isang "flying kiss"

- Ibinahagi ng bartender na si Bryan Calonia kung paano niya nakilala ang nobya na niya ngayong si Jasmina Calonia na isang Finnish dahil lang umano sa "flying kiss"

- Nagkakilala sila sa cruise ship kung saan nagtatrbaho si Bryan habang nasa isang tour naman noon si Jasmina

- Nang makuha na ni Bryan ang pangalan at Facebook ni Jasmina, araw-araw na silang magkausap hanggang sa mahulog ang loob sa isa't isa

- Sa ngayon, nagma-may-ari na sila ng dinarayong 2D Art Cafe sa Cebu ang "The White Mansion"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ng bartender na si Bryan Calonia ang nakakakilig nilang love story ng kanyang Finnish na future wife na si Jasmina.

Sa kwentong naibahagi nila sa programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho', nasabi ni Bryan na dahil lamang sa isang "flying kiss" nasilayan niya ang magandang babae na kalaunan ay magiging nobya pala niya.

Read also

Kuya Wil, hinangaan at nais tulungan ang jail doctor na naitampok sa 'I-Witness'

"Dumaan si Jasmina sa bar, na-starstruck talaga ako. Sobrang ganda kasi niya... Hindi ko ma-explain ‘yung feeling," pahayag ni Bryan.

Pinoy Bartender, nakilala ang Finnish na misis dahil sa isang "flying kiss"
Photo from Jim Bryan Beray Calonia
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

"Sa routine ko, may "flying kiss" towards the crowd. Paghagis ko ng shaker, saktong dumaan siya, sa kanya ko pinoint ‘yung finger. Nagsigawan iyong mga tao," dagdag pa niya.

Matapos ang show, nakita muli ni Bryan si Jasmina at naglakas loob na kunin na ang kanyang pangalan maging ang Facebook name nito.

Nagkahiwalay ang dalawa nang magbalik sa Finland si Jasmina habang si Bryan naman ay umuwi na ng Pilipinas matapos ang cruise.

Ngunit hindi na natinag ang kanilang halos araw-araw na pag-uusap hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob nila sa isa't isa.

Sa ngayon, masayang nagsasama ang magkasintahang sina Bryan at Jasmina at nagma-manage na ng kanilang 2D Art Cafe sa Cebu ang "The White Mansion."

Read also

Pokwang, tinuruan ng mga larong Pinoy ang anak na si Malia

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tulad nina Bryan at Jasmina, marami rin ang humanga at kinilig sa love story nina Eugene at Vika. Pinoy si Eugene habang isa namang Lithuanian ang kanyang nobya.

Sa ngayon, nananatili na ng Pilipinas ang kanyang nobya na minsan na niyang muntik na hiwalayan ngunit masaya silang naipaglaban ang kanilang pagmamahalan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel