Pokwang, tinuruan ng mga larong Pinoy ang anak na si Malia

Pokwang, tinuruan ng mga larong Pinoy ang anak na si Malia

- Ibinahagi ni Pokwang na bilang isang ina, mas gusto niyang nakakapaglaro ng pisikal ang anak niyang si Malia

- Kaya naman, tinuruan niya ito ng mga larong nakasanayan ng kabataan noong hindi pa uso ang mga cellphone

- Tinuruan niya ang anak kung paano laruin ang "Bato-bato Pik," "Chinese Garter," "Tagu-taguan at "Tumbang-preso"

- Payo niya sa mga inang katulad niya, hangga't maari ay iwasan ang sobrang madalas na pagpapagamit ng gadget sa mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahit nasa bahay lang ay sinisigurado ni Pokwang na mabigyan niya ng panahon ang anak na si Malia. Ayaw niya umanong panay gadget lang ang pinagkakaabalahan nito.

Kaya naman, sa isang video na kanyang ibinahagi, sinubukan niyang turuan ng mga larong Pinoy si Malia.

Pokwang, tinuruan ng mga larong Pinoy ang anak na si Malia
Pokwang (Photo from Flickr)
Source: UGC

Tinuruan niya ang anak kung paano laruin ang "Bato-bato Pik," "Chinese Garter," "Tagu-taguan at "Tumbang-preso." Aniya, gusto niyang physically fit din ang anak niya at marami pa siya umanong gustong ituro kay Malia.

Read also

Ogie Diaz, ibinahaging malabo nang makakabalik sa ABS-CBN ang ilang artista

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Payo naman niya sa mga kagaya niyang ina, huwag pabayaan ang anak na puro gadget ang pinagkakaabalahan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si Pokwang ay isang komedyante, TV host, singer,at product endorser. Kadalasang tungkol sa sarili niya ang kanyang mga biro kapag siya ay nagpapatawa. Ibinahagi ng komedyante ang kanyang pakikipagrelasyon sa aktor na Amerikanong si Lee O'Brian. noong buwan ng Enero noong 2015.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Nabuntis siya ngunit sa kasamaang palad ay nakunan noong Agosto ng parehong taon. Muli siyang nagbuntis at ibinahagi niya ito sa kanyang Twitter account noong June 16, 2017. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Read also

Pinoy Bartender, nakilala ang Finnish na nobya dahil sa isang "flying kiss"

Madalas na kinakaaliwan si Malia sa mga ibinabahaging video at litrato niya sa Instagram. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay.

Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel