Ogie Diaz, ibinahaging malabo nang makakabalik sa ABS-CBN ang ilang artista

Ogie Diaz, ibinahaging malabo nang makakabalik sa ABS-CBN ang ilang artista

- Ibinahagi ni Ogie Diaz na hindi na makakabalik ang ilang artista sa ABS-CBN

- Ito ay dahil umano sa panghihikayat pa ng mga ito sa kanilang dating kasamahan na lumipat na rin

- Hindi na pinangalanan ni Ogie ang mga tinutukoy niyang artista ngunit may initials umanong "B" at "M" ang mga dating Kapamilya artists na ito

- Matatandaang may mga artistang nasa ABS-CBN ang lumipat na matapos ang pagkakabasura ng franchise renewal ng nasbing TV network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kaniyang YouTube channel, laging nagbabahagi ng showbiz news updates si Ogie Diaz at ang kanyang kasamang kilala sa tawag na Mama Loi.

Sa kanilang bagong video, naibahagi ni Ogie na ilan sa mga dating Kapamilya stars na lumipat ng estasyon ay hindi na o mahihirapan umanong makabalik sa ABS-CBN oras na muli itong magbukas.

Read also

Derek Ramsay, sinabing si Ellen Adarna na ang "the one" para sa kanya

Ogie Diaz, ibinahagi kung bakit malabo nang makabalik sa ABS-CBN ang ilang artista
Ogie Diaz
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Ang alam ko lang Loi kapag nakabalik ang ABS-CBN (sa ere) may mga artistang hindi na makakabalik kahit gustuhin pa nila.”

Ayon kay Ogie, ito ay sa kadahilanang, nag-aya pa umano ang mga ito ng kasamahan na lumipat sa network na kanilang nilipatan. Hindi naman direktang pinangalanan ni Ogie ang mga tinutukoy na artista ngunit may mga initials umanong "B" ang isa at ang isa naman ay "M."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

“Ayoko nang mag-mention ng name pero may mga artistang alam nila na hindi na sila makakabalik katulad ng mga artistang sila pa mismo ang nag-uudyok na lumipat na kung saan sila lumipat. Feeling ko letter B as in Bravo, saka M as in Mama.

Read also

Ex-gf ng game streamer na si Akosi Dogie, naiyak nang ibahagi ang kanyang panig

Matatandaang marami sa ABS-CBN artists ang lumipat dahil na rin sa nangyari sa ABS-CBN. Karamihan sa mga artista ng ABS-CBN ay lumipat sa TV5 kung saan nagkaroon din sila ng ilang mga programa.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na Palibhasa Lalake.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel