Ex-gf ng game streamer na si Akosi Dogie, naiyak nang ibahagi ang kanyang panig

Ex-gf ng game streamer na si Akosi Dogie, naiyak nang ibahagi ang kanyang panig

- Bumuhos ang mensahe ng pagsuporta para sa YouTube content creator na si Chixmiss

- Ito ay matapos niyang linawin ang mga alegasyong ibinato sa kanya ng kanyang dating boyfriend na game streamer na kilala sa pangalang Akosi Dogie

- Hindi mapigilang maiyak ni Chix habang isa-isa niyang sinasagot at ipagtanggol ang sarili

- Ibinahagi niya rin kung paano nangyari ang kanilang paghihiwalay matapos ang 8 taong relasyon nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos ang emosyon ng YouTuber na si Chixmiss habang ibinabahagi niya ang kanyang panig kaugnay sa mga binitawang salita ng kanyang ex-boyfriend na si Dogie.

Aniya, wala sa plano niyang magsalita tungkol sa paghihiwalay nila ngunit dahil marami nang nadadamay ay napagpasyahan niyang ibahagi ang kanyang panig.

Ex-gf ng game streamer na si Akosi Dogie, naiyak nang ibahagi ang kanyang panig
Photo from Chixmiss (@chixmiss23)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kim Chiu, pinabilib ang mga co-hosts sa kanyang "kakaibang" talent

Inisa-isa niya ang umano'y paratang sa kanya ng kampo ng ex-boyfriend.

Kabilang sa mga isyung sinagot niya ay tungkol sa umano'y pamimilit ni Chix na mag gender reveal ang isang kaibigan nilang nagdadalang-tao.

Aniya, gusto lang niyang iparanas sa kaibigan ang feeling ng may mag-organize ng gender reveal party. Hindi umano para sa content kung bakit niya kinuhanan ang nasabing selebrasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Pagbabaliktanaw niya, katapusan ng Nobyembre nung nakaraang taon nang ginising umano siya ni Dogie ng alas 2 ng madaling araw at nakikipaghiwalay sa kanya.

Katwiran niya wala na daw siyang pagmamahal para sa girlfriend. Kahit masakit ay tinanggap niya na lang daw ang gusto ni Dogie ngunit humingi siya ng tatlong bagay.

Yun ay kung pwede na huwag na lang nilang isapubliko ang tungkol sa paghihiwalay nila, ang mabigyan siya ng panahon na makahanap ng malilipatan at kung maari ay ibigay sa pangangalaga niya ang kanilang alagang mga aso.

Read also

Kitkat Favia, bumwelta kay Janno Gibbs kaugnay sa statement nito

Samantala, marami sa mga YouTuber ang nagpaabot ng kanilang mensahe para ipakita ang kanilang suporta kay Chix.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Akosi Dogie sumikat sa kanyang game live stream sa social media. Mayroon din siyang YouTube Channel na mayroon nang mahigit 5 milyong subscribers.

Simula nang nagkaroon ng pandemya, lalong dumami ang pumasok sa paggawa ng mga YouTube videos at ilan na rin sa mga magkakarelasyong YouTuber ang naghiwalay kaya na lamang nina Toni Fowler at Rob Moya, Makaganda ta Makagwapo at Tim Sawyer at China Roces.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel