Ilang celebrities, kinilig sa tambalang Aga Muhlach at Lea Salonga

Ilang celebrities, kinilig sa tambalang Aga Muhlach at Lea Salonga

- Kinakiligan ng mga fans at maging ng mga celebrities ang tambalang Lea Salonga at Aga Muhlach ang ibinahaging screenshot ni Lea sa Instagram

- Ibinahagi ni Lea ang naging pagbati ni Aga sa kanya para sa kanyang kaarawan maging ang kanyang tugon sa mensahe ng aktor

- Hindi magkamayaw ang mga tagahanga ng dalawa dahil marami sa kanila ang nag-aabang na muling magkasama sina Aga at Lea sa isang pelikula

- Ibinahagi din ni Aga ang screenshot ng post na ito ni Lea at pinagkaguluhan din ng mga tagasuporta ng tambalan nila ang post ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilig overload ang mga tagahanga ng tambalang Lea Salonga at Aga Muhlach matapos ibahagi ng mang-aawit ang naging palitan nila ng mensahe ni Aga matapos nitong batiin siya para sa kaarawan nito.

Maging ang ilang artista ay hindi napigilang kiligin sa kanila. Kabilang sina Camille Pratts at Juris Fernandez sa mga celebrities na hindi napigilang mag-iwan ng hugis pusong emoji sa post ni Lea.

Read also

TNT contestant, nag-sorry dahil sa pakiki-#YesToAbsCbnShutdown niya noon

Kahit may kanya-kanya nang pamilya at nagsabing malapit na magkaibigan sila, marami pa rin ang mga tagahanga ng kanilang tambalan.

Lea Salonga, ibinahagi ang birthday greeting sa kanya ni Aga Muhlach
Lea Salonga (Photo by Dia Dipasupil)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ibahagi ni Lea ang screenshot ng pag-uusap nila ni Aga, ibinahagi din ng aktor ang post ni Lea at matindi din ang naging reaksiyon ng mga tagahanga nila sa post ni Aga.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nagkatrabaho sila at naitambal sa mga pelikulang "Bakit Labis Kitang Mahal" at "Sana Maulit Muli."

Marami sa kanilang tagahanga ang umaasang muling magkakaroon ng pelikula ang dalawa at kahit matagal na ang kanilang pelikula ay marami pa rin ang kinikilig sa kanilang tambalan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Read also

Mag-asawa na 48 taong magkasama, halos sabay na pumanaw dahil sa COVID-19

Si Lea Salonga ay isang mang-aawit na nakilala sa mga musical theater shows sa ibang bansa. Sa katunayan, siya ang boses sa likod ng mga awtin ng mga Disney characters na sina Princess Jasmine at Mulan.

Isa si Lea sa mga personalidad na naglalabas ng kanilang saloobin hinggil sa mga kasalukuyang suliranin ng bansa kabilang na ang mga naglalabasang kamalian sa mga module mula sa DepEd.

Kabilang din sa kanyang pinuna ay ang 'tattoo module' na nag-viral kamakailan sa social media.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel