Joem Bascon at Meryll Soriano, pinakilala ang baby nila sa pamilya ng aktor

Joem Bascon at Meryll Soriano, pinakilala ang baby nila sa pamilya ng aktor

- Ipinakilala nina Meryll Soriano at Joem Bascon ang kanilang anak sa pamilya ng aktor

- Sa mga ibinahaging litrato ni Meryll ay masayang magkakasama ang aktres at ang pamilya ni Joem

- Makikita sa mga picture na masaya ang mga lolo at lola nang makita ang kanilang apo

- Naka-disable pa rin ang comment box ng Instagram ni Meryll, kaya walang makapag-comment sa happy occasion pa naman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakilala na nina Joem Bascon at Meryll Soriano ang kanilang baby sa pamilya ni Joem.

Kita sa picture na masaya ang mga lolo at lola nang makita ang kanilang apo.

Joem Bascon at Meryll Soriano, pinakilala ang baby nila sa pamilya ng aktor

Photo from Meryll Soriano (@planetumeboshi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi maikakaila sa mga magulang ni Joem na masaya silang makita at makarga ang kanilang apo. Dinala nina Joem at Meryll ang kanilang baby sa bahay nina Joem para makita ng kanyang mga magulang at iba pang kapamilya ang bata.

Manny Pacquiao, sinagot ang netizen na nagpaalam na ligawan ang kaniyang anak

Simple lang ang caption ni Meryll sa photos at sabi lang, “Family is everything.” Tama na nga naman ang mga ngiti ng pamilya ni Joem nang makita ang anak nito at ni Meryll.

Sa kasalukuyan, nanatiling naka-disable ang comment box ng Instagram ni Meryll, kaya walang makapag-comment sa mga masasayang okasyon na ibinabahagi ng aktres.

Hindi pa ibinabahagi ni Meryll ang pangalan ng kanyang anak ngunit aniya ay ipinagmamalaki niyang naipanganak niya ito ng normal sa kabila ng pagiging risky ng kanyang pagbubuntis dahil na rin sa kanyang edad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Meryll Soriano ay ang anak ng TV host na si Willie Revillame kay Bec-Bec Soriano. Pamangkin siya ng batikang aktres na si Maricel Soriano. Ikinasal siya kay Bernard Palanca noong September 8, 2006. Gayunpaman, taong 2015 nang tuluyan nang na annul ang kanilang kasal.

34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis

Kamakailan ay ginulat ni Meryll ang publiko sa kanyang rebelasyon tungkol sa kanila ni Joem Bascon matapos ang ilang buwang pananahimik.

Ibinahagi din kamakailan ng aktres ang litrato niya kung saan karga-karga ni Willie Revillame ang kanyang baby.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel