Baha sa Agusan del Sur, hanggang bubong ng mga bahay dahil kay 'Vicky'

Baha sa Agusan del Sur, hanggang bubong ng mga bahay dahil kay 'Vicky'

- Ilang netizens mula sa Agusan del Sur ang nagbahagi ng mga larawan ng kalagayan nila sa paghagupit ng Bagyong Vicky sa kanilang lugar

- Makikitang nalubog din sa mataas na tubig ang mga kabahayan sa nasabing lugar

- Kaya naman karamihan sa mga kagamitan ng mga residente roon ay putikan na maging ang mga sasakyan na nalubog din sa baha na umabot na halos sa bubong ng mga bahay doon

- Pasalamat pa rin ang netizen na nag-upload ng larawan na ligtas ang kanyang pamilya at hiling niya na iyon na sana ang huling pahirap ng taong 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagdulot ng matinding pagbaha ang Bagyong Vicky nang tumama ito sa Agusan del Sur ngayong Sabado, Disyembre 19.

Ibinahagi ng netizen na si Katrina Marie Bartolini Acedo ang mga larawan ng sinapit ng kanilang tahanan sa San Francisco, Agusan del Sur.

Read also

Pulis sa viral video, dati nang may patong-patong na kaso ayon sa Central Luzon police

Makikitang putikan ang mga kagamitan na karamihan din ay tila nasira na dahil sa pagkakalubog sa tubig baha.

Bagyong Vicky, nagdulot ng baha na hanggang bubong ng mga bahay sa Agusan del Sur
Photo from Phobie Jane Osigan
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nalaman ng KAMI na maging ang sasakyan nina Katrina ay hindi rin nakaligtas sa mataas na pagbaha dahil sa bagyong Vicky.

Sa kabila ng nangyari, nagpasalamat pa rin sa Diyos si Katrina na ligtas ang kanyang pamilya subalit hiling niya na sana ay ito na ang huling pagsubok na kakaharapin nila ngayong 2020.

Samantala, hindi rin nalalayo sa kalagayan nina Katrina ang ibinahaging larawan ni Phobie Jane Osigan na mula rin sa Agusan del Sur.

Ipinakita ni Phobie na talagang umabot na sa bubong ng mga bahay ang tubig baha bunsod ng paghaupit ni Vicky.

Bukod sa pagbaha, nagdulot din ng landslide ang naturang bagyo partikular na sa Leyte, Cebu, Agusan del Sur at maging sa Davao de Oro.

Read also

OFW sa Japan, dinaan sa tula ang pagka-miss sa pamilya ngayong Kapaskuhan

Dahil dito, dalawang senior citizen ang pumanaw sa Mahaplag, Leyte.

Inaasahang lalabas na ng tuluyan sa bansa ang Bagyong Vicky sa Linggo, Disyembre 20.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang nakaraang buwan, humagupit sa bansa ang Bagyong Ulysses na nagdala ng matinding pagbaha at landslides sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Maraming kababayan natin sa Marikina City, probinsya ng Rizal, Cagayan at Isabela ang labis na naapektuhan.

Dahil dito, kabi-kabilang relief operations ang dumating sa mga nasabing lugar subalit hanggang ngayon, ilan sa mga nasabing lugar ay di pa muling nakakabangon sa matinding trahedyang sinapit.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica