Tatay Alex sa nag-viral e-jeep video, muling kinumusta ni Raffy Tulfo

Tatay Alex sa nag-viral e-jeep video, muling kinumusta ni Raffy Tulfo

- Makalipas ang isang taon, kinumusta ni Raffy Tulfo ang jeepney driver sa viral video na si Alexanger Gutal

- Matatandang si Tatay Alex ang inakusahan ni alyas Linda ng di umano'y pambabastos sa kanya dahilan para ito'y bugbugin

- Matapos ang ilang proseso ng paglilitis, lumabas na hindi naman talaga binastos ng driver ang babae kaya naman ang nakasuhan na ngayon ay ang pamilya ni "Linda" dahil sa pambubugbog ng mga ito sa kaawa-awang tsuper

- Ngayon, patuloy na napalalago ni Tatay Alex sa tulong ng kanyang anak ang negosyong ipinagkaloob sa kanya ni Tulfo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling kinumusta ni Raffy Tulfo ang nag-viral na jeepney driver na si Alexander Gutal na naakusahan ni alyas 'Linda' ng pambabastos sa loob ng e-jeep.

Nalaman ng KAMI na halos isang taon na ang nakalipas mula ng kontrobersyal na insidente kung saan nabugbog si Tatay Alex dahil sa akusasyon ni Linda na kalaunan ay napatunayan nilang wala itong katotohanan.

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video

Ayon sa anak ni Tatay Alex na si Christian Gutal, umuusad na ang kaso ng ama laban kay alyas Linda at sa pamilya nitong nanakit sa kanyang ama.

Tatay Alex sa nag-viral e-jeep video, muling kinumusta ni Raffy Tulfo

Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Dumanas din ng stroke noong Enero si Tatay Alex kaya naman hirap na itong magsalita. Ayon kay Christian, maaring na-stress ang ama sa mga nangyari kaya ito na-bedridden bago mag-lockdown.

Malaki naman daw ang pinagbago ng kalusugan nito sa tulong na rin ng kanilang negosyo na Promag300 na siyang nagpabuti di umano sa kalagayan ni Tatay Alex.

Bukod sa pangangamusta, naghandog pa umano si Tulfo at ang anak nitong si Maricel ng karagdagang negosyo para sa pamilya ni Tatay Alex.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang anak nitong si Christian ang namamahala sa online business nilang ito at napapalago naman niya ito mula nang maibigay sa kanya.

Iyon na rin daw talaga ang pinagkukunan nila ng kanilang mga pangangailangan lalo na ngayong panahon ng pandemya. Masasabing maswerte pa rin sila at mayroon silang pinagkakakitaan.

Pulis sa viral video, dati nang may patong-patong na kaso ayon sa Central Luzon police

Sobrang nagpapasalamat naman ang anak ni Tatay Alex at hindi raw nila akalain na maaalala pa sila ng kanilang Idol Raffy at ang anak nitong si Maricel.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang nag-viral na basahan vendor na nabigyan niya ng pangkabuhayan upang hindi na maglako lalo na at nagkaroon pala ito ng mild stroke.

"I Don't Care" ng 2NE1, nag-trending dahil sa viral video ng pulis at mag-ina

Gayundin ang isang misis na nagda-dialysis na nagawa pang lokohin ng mister. Nabigyan siya ng medical assistance ni Tulfo.

Patunay lamang ito na marami sa ating mga kababayang dumaranas ng iba't ibang problema ay natutulungan ng kanilang 'Idol Raffy.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel