Lolo, matiyagang hinahanap ang nawawalang misis na may sakit sa pag-iisip
- Viral ang larawan ng isang lolo na matiyagang hinahanap ang kanyang misis na matagal-tagal na ring nawawala
- Isang food delivery rider ang nagmalasakit na kunan siya ng larawan upang maibahagi rin sa social media ang larawan ng misis at impormasyon sakaling may makakita rito
- Nadurog daw ang puso ng delivery rider dahil bakas umano sa mukha ng lolo ang labis na pag-aalala para sa kanyang misis
- Maraming netizens ang nakapag-share na ng post upang mas mapadali ang paghahanap sa nawawalang misis ng matanda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumukaw sa atensyon ng isang food delivery rider ang isang lolo na naghahanap sa nawawalang misis nito.
Nalaman ng KAMI na nagmalasakit ang rider na si Miguel Aumentado sa nakitang lolo sa kalsada na namamahagi ng flyers na may larawan ng nawawalang asawa.
Kwento ng matanda na lumapit sa rider, kung saan-saan na raw siya nakarating subalit talagang hindi pa rin niya matunton ang kinaroroonan ng kanyang asawa.
Labis na nadurog ang puso ni Miguel kaya bilang tulong sa matanda, kinuhaan niya ito ng larawan gayundin ang flyers na ipinamimigay nito upang mas mapabilis ang paghahanap nito sa nawawalang misis.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa flyers na tila gawa ng pamangkin ng mag-asawa, nabanggit na noong Setyembre 6 pa ito nawawala.
Huling namataan daw ito sa Waltermart sa Taguig City at magpasa-hanggang ngayon ay wala pa rin umano silang balita rito. Daisy Huerto raw ang pangalan ng nawawalang matanda.
Nag-iwan din ng contact numbers sa flyers para mas madaling maipagbigay alam sa kanila sakaling may nakakita sa lola.
Narito ang kabuuan ng post:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kabila ng dinaranas nating krisis bunsod ng pandemya, lumilitaw pa rin ang pagiging matulungin nating mga Pilipino.
Lalong-lalo na sa mga kababayan nating may edad na na kailangan pa ring magbanat ng buto para lamang may kitain pa rin at may makain.
Ang iba naman, tulad ng lolo na ito ay walang ibang maasahan sa buhay kaya naman siya na lamang ang matiyagang naghahanap sa nawawalang misis kahit pa mayroon itong sakit sa pag-iisip.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh