Driver ng YouTuber na si Keith Talens, dumipensa sa mga alegasyon laban sa kanya

Driver ng YouTuber na si Keith Talens, dumipensa sa mga alegasyon laban sa kanya

- Usap-usapan ngayon ang patutsadahan ng YouTube vlogger na si Keith Talens at dati nitong driver na si Mang Jun

- Sa isang panibagong video, ipinaliwanag ni Mang Jun ang tungkol sa inilabas na video ng pananakit niya sa isang guard

- Ayon sa kanya, kaya niya nagawa iyon ay dahil pinagtanggol lamang niya si Keith matapos siraan diumano ito ng guard

- Ibinunyag din ng driver ang tunay na dahilan diumano kung bakit sila nagkakagulo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng driver ng YouTube vlogger na si Keith Talens ang isang video upang ipaliwanag ang kumakalat na video sa Facebook kung saan binugbog niya ang isang guard.

Ayon sa driver na mas kilala sa tawag na Mang Jun, nangyari iyo isang linggo bago siya pinaalis kaya imposibleng iyon ang dahilan kung bakit siya pinaalis.

Binigyan diin din niyang hindi iyong CCTV kundi video na kuha mula sa admins ng mag-asawa sa kanilang YouTube channel.

Aminado siya na mali ang kanyang nagawa at haharapin niya diumano ito. Ayon kay Mang Jun, kaya niya iyon nagawa dahil napag-alaman niyang sinisiraan nito ang kanyang amo. Ikinagalit din ni Mang Jun na dinawit siya diumano ng guard bilang pinagmulan ng paninira diumano sa amo nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya daw inilabas ang video na ito ay upang mailihis ng dating amo niya ang isyu. Nauna na ring ibinahagi ng driver ang sulat ng asawa ni Keith. Nakasaad sa sulat na sana ay hindi na abutan ng asawa ni Keith si Mang Jun sa bahay nila pag-uwi nito.

Dagdag pa ni Mang Jun, ang tunay na pinagmulan ng guo ay nang mahuli si Keith na nambabae.

-Isa din sa nais makuha ni Mang Jun diuman ay ang kaniyang YouTube channel na ngayon ay napalitan na ang pangalan. Aminado siyang si Keith ang gumawa ng channel na iyon pero siya daw ang nagpakahirap doon lalo na at siya din nag edit ng mga vlog niya.

Panoorin ang video dito:

Matatandaang naging kontrobersiyal ang video ni Keith kung saan pinakita ang pagpanaw ng kanyang ama. Umani ito ng samu't-saring opinyon at reaksiyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts! https://www.facebook.com/kamicomph/

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! Click the play button ang find out how many among the respondents could recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel