Kasambahay, inireklamo ang among di umano'y sinunog ang lahat ng kanyang gamit

Kasambahay, inireklamo ang among di umano'y sinunog ang lahat ng kanyang gamit

- Dumulog na kay Raffy Tulfo ang isang kasambahay dahil sinunog di umano ng kanyang amo ang isang bag ng kanyang mga damit

- Anak pa naman daw ng mayor ng Bulacan ang amo ng kasambahay na ito

- Pati raw kasi mga importanteng dokumento ay sinabing naisamang nasunog ngunit wala naman pala itong katotohanan

- Dinepensahan naman ng kapwa niya kasambahay ang kanilang amo at sinabing kaya lamang nito nagawang sunugin ang mga gamit ng kasambahay ay dahil di ito maayos na nagpaalam na di na ito muling babalik pa roon

- Mayroon ding rebelasyon ang isa pang kasambahay na ikinagulat din ng host ng progrmang 'Wanted sa Radyo'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng saklolo ang kasambahay na si Roselyn Formanes kay Raffy Tulfo dahil sinunog di umano ng kanyang amo ang mga damit at importanteng dokumento na naiwan pa niya roon.

Kwento ni Roselyn, day-off naman nang umalis siya sa tahanan ng amo na si Cielo Vialogo. Si Cielo ay anak pa raw ng mayor ng San Rafael, Bulacan.

Sa araw na sana'y babalik na si Roselyn, mayroon siyang sakit kaya nagsabi siyang di pa siya makakabalik.

Ngunit dahil sa hirap daw ng kanyang trabaho roon, at ayon na rin daw sa kanyang mister, ayaw nang bumalik pa ni Roselyn bilang kasambahay ni Cielo.

Nang subukang hingan ni Tulfo ng panayam ang amo, ang kasambahay din ni Cielo ang nakipag-usap at dinepensahan ang amo.

Ayon kay Floridith Olazo, tanging ang mga damit lamang ni Roselyn ang sinunog ng amo sa dahilang naglilinis da ito at mayroon na rin silang nakuhang kapalit ni Roselyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Floridith, wala raw katotohanan na pati ang mga importanteng papeles ni Roslyn at sinunog.

Ibinunyag pa nitong hawak ng "kabit" ni Roselyn ang mga papeles na hinanap nito at hindi ito nasunog.

Tila nahimasmasan ang nagrereklamo nang banggiti ang bagay na ito at mainam na rin na di na ito ininda pa ng kanyang kinakasama na naroon din sa studio.

Tutulungan daw ni Tulfo na makuha pa ni Roselyn ang natitirang gamit nito at kahit na paano'y pababayarin din ang amo sa mga sinunog na gamit ni Roselyn.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel