Ayon kay Tulfo: Doktor na nagwala at minura ang nakaalitan sa kalsada, tila nagtatago na

Ayon kay Tulfo: Doktor na nagwala at minura ang nakaalitan sa kalsada, tila nagtatago na

- Agad na inaksyunan ni Raffy Tulfo ang reklamong isinampa sa doktor na si Tomas Joaquin Mendez ng mag-asawang Merly at Santiago Paredes

- Pinakilos ni Tulfo ang tatlong reporters ng programa upang mapabilis ang usad ng pag-aksyon sa reklamo

- Sinubukan nilang kapanayamin ang doktor ngunit 'mailap' daw ito at tila nagtatago na

- Nagpunta rin sila sa Diliman Doctor's Hospital kung saan ito nagtatrabaho ngunit mihigpit na pinagbilinan ang mga guwardiya roon na di nila papapasukin ang sinuman na kakapanayam sa akusadong doktor lalo na ang programa ni Raffy Tulfo

- Dumulog na rin sa Wanted sa Radyo ang isa pang nakaalitan ng doktor

- Slander by deed ang maaring isampa laban sa doktor at pinag-aaralan din kung pasok ang unjust vexation pati na rin ang child abuse dahil sa may kasamang bata ang mag-asawa nang magwala at magmura ang doktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-viral ang alitan sa kalsada kung saan nanlait at nagmura ang doktor na nakilalang si Tomas Joaquin Mendez, agad na humingi na ng tulong ang kanyang mga nabiktimang sina Merly at Santiago Paredes sa programa ni Raffy Tulfo.

Sa December 4 episode ng Wanted sa Radyo, agad na nagbigay ng update si Tulfo tungkol sa pag-usad ng aksyon ukol sa reklamo laban sa doktor.

Sinabi nitong tatlong mga reporters ng programa ang lumalakad sa iba't ibang mga lugar upang mas mapabilis ang pag-aksyon sa di lamang isa kundi dalawang beses na panghahamak ng doktor sa mga nakasagutan sa away trapiko.

Sinubukan daw ng programa na kapanayamin mismo ang doktor ngunit sadyang mailap daw ito at tila nagtatago na dahil di nila ito ma-contact.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang ospital kung saan siya nagtatrabaho ay mahigpit na ipinagbilin sa guwardiya na bawal magpapasok ng sinuman na nais makakuha ng impormasyon tungkol sa akusado nilang empleyado lalo na kung ito ay mula sa programa ni Raffy Tulfo.

Sa kabila ng hinihinalang pagtatago ng doktor, itutuloy pa rin ng dalawang complainants ang mga kasong isasampa nila rito para na rin daw magtanda ito at di na ulitin pa sa iba.

Maari nitong harapin ang kasong slander by deed at pinag-aaralan din kung maari rin itong kasuhan ng unjust vexation at maging child abuse dahil sa may kasamang bata ang mag-asawang kanyang pinagmumura.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Tricky Questions: Kumakain Ka Ba Ng Mabuhok? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel