Gov. Luigi Villafuerte, nagsalita sa umano'y 'bakasyon' sa Siargao
- Nagbigay-linaw si Governor Luigi Villafuerte sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa umano’y “bakasyon” ng kanyang pamilya sa Siargao
- Ipinahayag ni Villafuerte na bahagi ng tourism benchmarking ang kanilang pagbisita sa Siargao kasama ang mga opisyal ng SK ng Camarines Sur
- Nilinaw niyang sila ay nakabalik na mula Siargao noong Oktubre 21 at tinawag niyang “fake news” ang mga ulat na na-stranded sila
- Sinabi ng gobernador na abala ang kanilang grupo sa mga operasyong paglilikas at pamamahagi ng tulong sa mga lugar na apektado ng pagbaha
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Mariing pinabulaanan ni Governor Luigi Villafuerte ang mga balitang sila ng kanyang pamilya ay na-stranded umano sa Siargao at nagsasabing walang katotohanan ang mga ito. Ayon kay Villafuerte, ang kanilang pagbisita sa Siargao noong Oktubre 19 ay bahagi ng kanilang tourism benchmarking kasama ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan ng Camarines Sur.
Ipinunto ng gobernador na sila ay bumalik na mula Siargao noong Lunes, Oktubre 21, taliwas sa mga ulat na nagsasabing nasa Siargao pa sila at na-stuck doon. Sinabi ni Villafuerte na “fake news” ang mga nasabing tsismis.
Ibinahagi rin ng gobernador na simula nang makabalik noong Lunes, abala na sila sa mga operasyong paglilikas, pagsagip, at pamamahagi ng tulong sa mga lugar na matinding naapektuhan ng pagbaha sa Camarines Sur at sa iba pang bahagi ng Bicol. Dagdag pa niya, sinisigurado nilang maabot ang mas maraming komunidad sa oras na humupa ang baha at maging ligtas para sa kanilang mga rescuer.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Binigyang-diin din ni Villafuerte na ngayon ang tamang panahon para magtuon ang lahat ng atensyon sa relief at recovery efforts para sa CamSur, Bicol, at iba pang bahagi ng bansa na naapektuhan ng Bagyong Kristine. Bilang patunay ng kanyang pagbabalik, ipinakita niya ang kanyang boarding pass bilang ebidensya upang wakasan ang mga haka-haka.
Nagtapos si Villafuerte sa pagsasabing inaasahan niyang matuldukan na ang isyu at umaasa siyang pagpapalain ng Diyos ang lahat sa panahong ito.
Ang kasalukuyang karelasyon ni Gov. Luigi na si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.
Matatandaang Ibinida ni Yassi ang ilang pictures at video kung saan nakasama niya si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte . Inilarawan niya ang naturang event bilang 'a beautiful night of love' kung saan makikita pa silang naghalikan habang may fireworks sa background.
Ipinagdiwang nina Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuerte ang kanilang unang anibersaryo sa Bhutan. Ibinahagi ni Yassi ang kanilang mga video at larawan sa Instagram, na nagpapakita ng kanilang pagmamahalan,
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh