Yassi Pressman, ibinida ang ka-sweetan nila ni Governor Luigi Villafuerte

Yassi Pressman, ibinida ang ka-sweetan nila ni Governor Luigi Villafuerte

- Ibinida ni Yassi Pressman ang ilang pictures at video kung saan nakasama niya si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte

- Inilarawan niya ang naturang event bilang 'a beautiful night of love' kung saan makikita pa silang naghalikan habang may fireworks sa background

- Hindi man diretsahang umamin ay tila pagsasapubliko na ito ni Yassi sa tunay na relasyon nila lalo at nakalagay sa caption na 'kilig surrrpwiiz' daw ang huling bahagi ng post

- Matatandaang ilang beses na ring namataang magkasama ang dalawa kahit wala pang pormal na pag-amin

Ibinida ni Yassi Pressman ang aniya'y 'a beautiful night of love' kung saan kasama niya si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte. Makikita sa kanyang post ang isang video clip kung saan nag-kiss silang dalawa.

Yassi Pressman, ibinida ang ka-sweetan nila ni Governor Luigi Villafuerte
Yassi Pressman, ibinida ang ka-sweetan nila ni Governor Luigi Villafuerte
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Carla Abellana sa gitna ng negative comments: "People can be so mean"

a beautiful night of love swipe to the end for a kilig surrrpwiiz

Marami naman ang bumati kay Yassi sa post niyang ito. Narito ang ilang komento:

Last video Wow❗...Kinilig kami dito... Sana kayo na nga Forever
Love the last picture, they are so sweet
It’s actually kilig @yassipressman ,congratulations be happy always,let this heal everyday struggles idol

Si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Nagbahagi si Yassi Pressman ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram stories sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang kapatid. Hindi nito diretsahang sinabi na patungkol sa isyu ng kanyang kapatid ang sinabi niyang dapat abangang "2 sides of a story". Sa pag-viral ng picture ng kapatid niyang si Issa Pressman kasama si James Reid, naungkat ang ginawang pagtatanggol ni Yassi noon sa kapatid. Ito ay sa kasagsagan ng pagkakadawit noon kay Issa sa hiwalayang James at Nadine Lustre.

Read also

Boy Abunda: "Kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring"

Nagsalita naman si James kaugnay sa isyung kinasasangkutan nila ni Issa kasunod ng pag-post nila ng pictures nilang magkasama. Ani James, walang katotohanan ang mga haka-haka tungkol kay Issa at mga rumors lamag daw ang lahat ng iyon. Hindi niya raw ugali na sagutin ang mga bashers o makisali sa hate culture ngunit aniya ay kailangan niya nang magsalita. Aniya pa, hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang simula ng "something beautiful" sinabi niya din na ngayon siya naging pinakamasaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel