Yassi Pressman, nagpahiwatig tungkol sa aniya'y "2 sides of a story"

Yassi Pressman, nagpahiwatig tungkol sa aniya'y "2 sides of a story"

- Nagbahagi si Yassi Pressman ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram stories sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang kapatid

- Hindi nito diretsahang sinabi na patungkol sa isyu ng kanyang kapatid ang sinabi niyang dapat abangang "2 sides of a story"

- Sa pag-viral ng picture ng kapatid niyang si Issa Pressman kasama si James Reid, naungkat ang ginawang pagtatanggol ni Yassi noon sa kapatid

- Ito ay sa kasagsagan ng pagkakadawit noon kay Issa sa hiwalayang James at Nadine Lustre

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Yassi Pressman ng mensahe kaugnay sa aniya'y "2 sides of a story." Hindi nito direktang sinabi kung kaugnay ito sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kapatid niyang si Issa Pressman.

Yassi Pressman, nagpahiwatig tungkol sa aniya'y "2 sides of a story"
Yassi Pressman, nagpahiwatig tungkol sa aniya'y "2 sides of a story" (@yassipressman)
Source: Instagram

Matapos nga magpost nina James Reid at Issa ng pictures nilang magkasama na nanood ng concert ni Harry Styles, naging palaisipan kung may namamagitan sa dalawa lalo at makikitang tila magkahaawak-kamay pa sila sa picture na binahagi ni Issa.

Read also

James Reid at Issa Pressman, trending dahil sa picture nilang magkasama

Hindi na rin nakaligtas si Yassi sa kontrobersiya lalo nang maungkat ang ginawa niyang pagtatanggol sa kapatid niya noong nabatikos ito nang maiugnay sa hiwalayang James at N Nadine.

Yassi Pressman, nagpahiwatig tungkol sa aniya'y "2 sides of a story"
Yassi Pressman, nagpahiwatig tungkol sa aniya'y "2 sides of a story" (@yassipressman)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Sa ibinahaging video ng content creator na si Rob Moya, makikita ang kanyang pakikipag-usap kay Yassi. Ito ay nang isa si Rob sa mga guest sa game show kung saan si Yassi ang host na napapanood sa TV5. Aminado si Rob na crush niya si Yassi at alam niya umanong imposibleng maging boyfriend siya nito pero tinanong niya ang aktres kung siya ba ang tipo ng lalaki na papayagan ni Yassi na manligaw sa kanya.

Read also

Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang nakapiit dahil inuuntog nito ang kanyang ulo

Samantala si Alex Gonzaga ang kauna-unahang guest ni Yassi sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Sa naturang video ay naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel