Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang nakapiit dahil inuuntog nito ang kanyang ulo

Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang nakapiit dahil inuuntog nito ang kanyang ulo

- Ayon sa pulis na si PMSgt. Paulo Engbino, hindi pa rin nakakausap nang maayos si Edson Jamisula

- Kapag tinatanong umano ito ay nakatingin lang at hindi nagsasalita simula nang mahuli ito

- Hindi din daw ito kumakain at natutulog kaya ayon sa pulis ay nangayayat ito

- Pinagsuot din daw nila ng helmet ang suspek dahil inuuntog nito ang kanyang ulo sa pader at sa rehas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay PMSgt. Paulo Engbino, hindi daw kumakain at natutulog ang suspek na si Edson Jamisula sa piitan. Naibahagi niya sa programang Raffy Tulfo in Action na pinagsuot nila ng helmet ang suspek dahil inuuntog nito ang kanyang ulo sa pader at sa rehas.

Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang nakapiit dahil inuuntog nito ang kanyang ulo
Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang nakapiit dahil inuuntog nito ang kanyang ulo (Kimberly Achas/ Facebook)
Source: Facebook

Napansin din ng marami na payat ito sa kumakalat na mga pictures niya. Hindi daw ito kumakain at natutulog kaya ayon sa pulis.

Read also

Kapatid ni Kimberly Achas, sinabing pinagtalunan ng magkalive-in ang tungkol sa anak

Naging usap-usapan ang kasong ito ng pamamaslang lalo at nakuhanan pa ng video ang insidente dahil mayroong CCTV sa loob ng bahay.

Nasa maayos namang lagay ang kanilang anak na siyam na buwang gulang na kasalukuyang nasa pangangalaga ng kapatid ng ina ni Kimberly.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa ulat ay nagtamo ng 16 na saksak sa leeg ang biktima na kanyang ikinasawi kahit pa naisugod siya sa ospital. Kumakalat naman sa kasalukuyan ang CCTV footage ng pananakit ni Elson kay Kimberly na humantong sa pagpaslang niya sa ina ng kanyang anak.

Nagsalita na ang ama ng napaslang na 22 anyos sa Don Carlos, Bukidnon. Ayon sa ama ni Kimberly Achas, mismong ang kanyang asawa ang naroon nang paslangin ang anak nila. Sa pagsasalaysay ng ama ng biktima, pinalabas umano ng suspek ang ina ng biktima at ang kausap nito saka isinara ang bahay. Sinubukan umano nilang sirain ang pinto para masaklolohan si Kimberly ngunit hindi nila mabuksan ang pinto.

Ayon sa kapatid ng napaslang na si Kimberly Achas, nag-away umano ang kanyang kapatid at ang suspek na si Edson Jamisula dahil sa kanilang anak. Gusto daw kunin ni Kimberly ang kanilang anak para ipagamot dahil may pilay umano ito. Ayon pa sa kapatid ni Kimberly na si Rovel Achas, hindi daw alam ng kamag-anak na gumagamit ito ng pinagbabawal na gamot. Kasalukuyang nakalagak na ang labi ni Kimberly at nakatakdang ilibing sa Linggo, March 19, 2023.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel