Kapatid ni Kimberly Achas, sinabing pinagtalunan ng magkalive-in ang tungkol sa anak

Kapatid ni Kimberly Achas, sinabing pinagtalunan ng magkalive-in ang tungkol sa anak

- Ayon sa kapatid ng napaslang na si Kimberly Achas, nag-away umano ang kanyang kapatid at ang suspek na si Edson Jamisol dahil sa kanilang anak

- Gusto daw kunin ni Kimberly ang kanilang anak para ipagamot dahil may pilay umano ito

- Ayon pa sa kapatid ni Kimberly na si Rovel Achas, hindi daw alam ng kamag-anak na gumagamit ito ng pinagbabawal na gamot

- Kasalukuyang nakalagak na ang labi ni Kimberly at nakatakdang ilibing sa Linggo, March 19, 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ng kapatid ni Rovel Achas, kapatid ng napaslang na si Kimberly Achas na napag-awayan umano nila ng suspek dahil gusto daw kunin ni Kimberly ang kanilang anak para ipagamot dahil may pilay umano ito. Sa panayam sa kanya ng Raffy Tulfo in Action, naisalaysay ng kuya ni Kimberly ang tungkol sa pangyayari.

Read also

Edson Jamisula, pinagsuot daw ng helmet ng pulis habang nakapiit dahil inuuntog nito ang kanyang ulo

Kapatid ni Kimberly Achas, sinabing pinagtalunan ng magkalive-in ang tungkol sa anak
Kapatid ni Kimberly Achas, sinabing pinagtalunan ng magkalive-in ang tungkol sa anak (Kimberly Achas/ Facebook)
Source: Facebook

Aniya, marami naman silang kasama sa naturang bahay kasama ang pamilya ng lalaki. Gayunpaman, noong hapon kung kailan naganap ang pamamaslang ay pinalabas umano ni Edson ang lahat ng tao sa kanila dahil aniya ay mag-uusap lang sila.

Kinailangan pang dumaan ng mga pulis sa bubong para mapasok ang bahay dahil naka-double lock daw ang bahay. Inabutan pa ng otoridad ng humihinga ang biktima ngunit hindi na ito nakarating nang buhay sa ospital.

Sinubukan naman daw tumakas ng suspek at tumakbo ito sa likod ng bahay ngunit nahuli din ito kaagad ng mga pulis.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa ulat ay nagtamo ng 16 na saksak sa leeg ang biktima na kanyang ikinasawi kahit pa naisugod siya sa ospital. Kumakalat naman sa kasalukuyan ang CCTV footage ng pananakit ni Elson kay Kimberly na humantong sa pagpaslang niya sa ina ng kanyang anak.

Read also

Cristy sa pahayag ng ama ni Liza Soberano: "Nagbuhos pa kayo ng gas sa apoy"

Matatandaang naging viral din ang kaso ng pagpatay sa magkapatid na Maguad sa M'lang sa Cotabato.

Matatandaang isinapubliko ng otoridad ang tungkol sa pagkaka-solve ng Maguad siblings murder case. Ayon kay Major Realan Mamon, chief ng municipal police, umamin ang adopted na school girl ng pamilya na siya ang responsable pagkakapaslang sa dalawa. Ayon sa mga imbestigador, maaring sibling rivalry ang nagtulak sa salarin upang gawin ang krimen na talaga namang tinutukan ng publiko.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel