Carla Abellana sa gitna ng negative comments: "People can be so mean"

Carla Abellana sa gitna ng negative comments: "People can be so mean"

- Naglabas si Carla Abellana ng saloobin sa pamamagitan ng isang post sa Threads

- Ito ay kasunod ng mga negatibong komento sa kanyang binibentang pre-loved items

- Umani ng samu't-saring komento ang kanyang mga paninda na mga branded na mga gamit niya

- May mga nagtanggol naman sa aktres na nagsabing pwede namang magkomento nang hindi nakakasakit at kung hindi naman nila nagustuhan ang tinitinda ni Carla ay hindi naman niya ito pinipilit

Inihayag ni Carla Abellana ang kanyang saloobin sa gitna ng mga komento sa kanyang binibentang preloved na mga branded na gamit. Matatandaang umani ng samu't-saring komento ang kanyang mga paninda.

Carla Abellana sa gitna ng negative comments: "People can be so mean"
Carla Abellana sa gitna ng negative comments: "People can be so mean"
Source: Instagram
People can be so mean. So mean.
Carla Abellana sa gitna ng negative comments: "People can be so mean"
Carla Abellana sa gitna ng negative comments: "People can be so mean"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ito ang maiksing post ni Carla sa gitna ng mga hindi kaaya-ayang komento ng ilang netizens sa kanyang preloved items na binibenta.

Read also

Boy Abunda: "Kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring"

Sa kanyang post sa Instagram ay nagbahagi naman siya ng mensahe tungkol sa pagiging mabuting tao.

Sa gitna nito, marami pa rin ang naghayag ng kanilang suporta kay Carla:

You are a wonderful human being, Ms. Carla. Please don't let other people make you feel otherwise.
Never let the world take away your kindness. #braveheart
Kindness goes a long way!

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel