Tom Rodriguez, iginiit na hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla Abellana

Tom Rodriguez, iginiit na hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla Abellana

- Sa nilabas na pahayag ni Tom Rodriguez, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla Abellana

- Gayunpaman, aminado siyang naubos ang pera niya matapos umano siyang maloko ng hindi na pinangalang tao

- Tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres

- Naibahagi niya din na ito umano ang huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa isyu at ayaw niya nang lumabag sa gag order na na-issue sa kanya at sa kanyang mga abogado

Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.

Tom Rodriguez, iginiit na hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla Abellana
Tom Rodriguez, iginiit na hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Inamin niyang naubos ang pera niya matapos umano siyang maloko ng hindi na pinangalang tao. Aniya kahit, masakit at malungkot ang kanyang tatahakin ay mayroon siyang malakas na suporta mula sa kanyang pamilya na hindi siya huhusgahan.

Read also

Tom Rodriguez, hangad na maging maligaya si Carla Abellana

I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naibahagi niya din na ito umano ang huling pagkakataon na magsasalita siya tungkol sa isyu at ayaw niya nang lumabag sa gag order na na-issue sa kanya at sa kanyang mga abogado.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Matatandaang inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyo na kinalaunan ay naging asawa na niyang si Tom Rodriguez. Nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya. Kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ni Tom matapos ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa, naibahagi ni Cristy Fermin na inaasikaso na si Carla ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal.

Matatandaang sa post ni Tom Rodriguez sa Instagram, may ilang netizens ang napatanong tungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Carla Abellana. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel