Boy Abunda: "Kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring"

Boy Abunda: "Kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring"

- Nagbahagi ng kanyang nalalaman si Boy Abunda kaugnay sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Aniya, maging siya ay nagulat sa kumpirmasyon ng hiwalayang ito lalo na at may alam na siya sa ilang detalye ng kasal mula kay Bea

- Kung tama raw ang kanyang source, isinauli na rin ni Bea ang engagement ring niya kay Dominic

- Naikwento rin ni Boy ang tungkol sa pagkukusa ni Dominic pagdating sa prenuptial agreement kaya't tila imposible na ito umano ang dahilan ng hiwalayan

Sa programa niyang Fast Talk, nagbahagi si Boy Abunda ng kanya umanong nalaman ukol sa hiwalayn nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Boy Abunda: "Kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring"
Bea Alonzo and Dominic Roque (@dominicroque)
Source: Instagram

Bukod sa sinegundahan niya ang una nang naibalita ni Ogie Diaz na hiwalay na nga umano ang dalawa ayon sa kanilang source, nasabi rin ni Boy na kamakaila'y nagkausap pa rin naman ang mga ito.

Read also

Ogie Diaz: "Wag n'yo po akong gawing patron ng mga marites"

"As a matter of fact, from good sources, kagabi o noong isang gabi lamang ay nag-usap si Bea at si Dominic. They're trying to understand each other. They're going thru a rough patch. Magkakabalikan ba ito, magtatagumpay ba sa panunuyo si Dominic or sila ni Bea... We don't know. Wala ping makakasagot ng katanungan na 'yun. But my prayer is that, may God grant them what is best for them"

Gayunpaman, naglabas din ng saloobin si Boy ukol sa mga lumalabas na posibleng dahilan ng naturang hiwalayan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"So I am confirming. yes, that hiwalay sila ngayon that last night or two nights ago, nag-usap 'yung dalawa. Ano ang status, wala. I think, kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring. But are they hoping? Ako ang hula ko is yes... Kasi hindi naman, you don't say tomorrow I'm going to stop loving."

Read also

Ogie Diaz sa pahayag ni Enrique Gil: "Malabo 'yung yeah yeah, we're happy"

"Yung prenup po, medyo na-shock ako. Kasi many months ago, napag-usapan ho ito. Sa aking pagkakaalam. And I'd like to confirm this with my friends, my sources. Because, with his being talked about, yung prenup po, ang nag-volunteer sa nanay ni Bea na okay ang prenup ay si Dominic. So I don't think that it is and it was an issue. Unless nabago po 'yung kwento"

Pinaalalahanan din niya ang publiko sa pinagdaraanang ito nina Bea at Dominic, mangibabaw pa rin ang kabutihan ng iba sa pagkomento lalo na at wala namang alam ang karamihan sa totoong nangyari at nangyayari sa dalawa.

"Ito ang ayaw ko... Nay, Tay, Kapuso... Dito sa kwento ito, pinapalabas na ang may problema si Bea Alonzo. Kasi naghiwalay sila ni Gerald Anderson, naghiwalay sila ni Zanjoe Marudo... Ay hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon. To me, napaka-judgmental po 'nun. You and I have the right to comment, yes we have the freedom of speech, Pero ako, I appeal for kindness. What do we really know about this relationship?"

Read also

Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'

"Ito diretsahan. Si Bea gustong ma-save ang relasyon na ito. Si Bea wants this to work. Punta naman tayo kay Dominic na masakit ding pakinggan na walang pera, hindi mayaman, hindi sikat, hindi karapat-dapat kay Bea. Cruel. You have the right to comment, you have the right to share your opinions, pero sana'y this exercise prudence, caution and most importatnt of all, kindness."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance. Kabi-kabilang nominasyon at acting awards ang kanyang natanggap na patunay lamang ng husay sa kanyang karera.

Samantala, July 18 ng nakaraang taong 2023 nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Read also

Boy Abunda, umano'y kinumpirma ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque

Matatandaang naikwento rin ni Bea ang minsang hindi niya paniniwala sa kasal dala ng kanyang mga karansan. Subalit tila taliwas na ito sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay pag-ibig lalo na at pinaghahandaan na nila ni Dominic ang sarili nilang kasalan na inaasahang magaganap 'di umano sa susunod na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel