Ogie Diaz sa pahayag ni Enrique Gil: "Malabo 'yung yeah yeah, we're happy"

Ogie Diaz sa pahayag ni Enrique Gil: "Malabo 'yung yeah yeah, we're happy"

- Naglabas ng pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa nasabi ni Enrique kamakailan na 'happy' naman sila ni Liza Soberano

- Nanindigan umano ang source ni Ogie na noong 2022 pa natapos ang relasyon ng dalawa

- Gayunpaman, sabi ni Ogie na maaring nagkausap muli ang dalawa at ang mga ito lamang ang makasasagot ng estado ng kanilang relasyon

- Sa ngayon, showing na ang Hollywood movie na kinabibilangan ni Liza ang "Lisa Frankenstein" habang si Enrique ay mayroon ding bagong pelikula

Nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa naging sagot ni Enrique Gil kamakailan tungkol sa nag-usisa ng relasyon nila ni Liza Soberano.

Ogie Diaz sa pahayag ni Enrique Gil: "Malabo 'yung yeah yeah, we're happy"
Ogie Diaz sa pahayag ni Enrique Gil: "Malabo 'yung yeah yeah, we're happy" (@enriquegil17)
Source: Instagram

Taliwas kasi ito sa unang nabalita ni Ogie na hiwalay na umano ang LizQuen.

Gayunpaman, nanindigan umano ang source ni Ogie na nagsabing tapos na nga ang relasyon ng dalawa.

"Sa totoo lang, nakausap ko na 'yung aking source. Sabi niya, I stand by my story. E kasi, nauna diyan di ba, sa Preview magazine na in-interview si Liza at unpublished ito no, sinabi ni Liza na October 2022 pa sila wlaa ni Ken. Bukod diyan, may mga nakausap din naman ako sa paligid. Na wala na nga. At sinasabi ko naman dito no, 'sana hindi totoo.'"

Read also

Ogie D, sa pagkakadawit ng pangalan ni Ivana sa isang pulitiko: "Dapat linawin ni Ivana"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kung ang sinasabi ni Enrique Gil na sila pa rin, kasi yun ang interpretasyon ng mga tao e, malabo 'yung yeah yeah, we're happy"
"Siyempre ang iba gusto nilang marinig, kami pa rin... Hindi totoo yung mga naglalabasan. Kasi ako, nasa posisyon ni Quen, sasabihin ko kami parin, mali yung naglalabasan"
"Sino ba naman tayo. Hindi natin alam baka nagkakausap na yung dalawa"

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Ogie mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Read also

Boy Abunda: "Kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring"

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilabas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Abala si Lisa sa premiere ng Hollywood film na kinabibilangan niya, ang Lisa Frankenstein. Habang si Enrique naman ay may ipalalabas ding pelikula, ang I am not big bird.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel