Ogie D, sa pagkakadawit ng pangalan ni Ivana sa isang pulitiko: "Dapat linawin ni Ivana"

Ogie D, sa pagkakadawit ng pangalan ni Ivana sa isang pulitiko: "Dapat linawin ni Ivana"

- Nadadawit umano ang pangalan ni Ivana Alawi sa isang pulitiko kamakailan

- Paalala rin ni Ogie sa publiko na huwag basta husgahan si Ivana gayung wala pa umanong kumpirmasyon ito

- Nagtataka rin si Ogie gayung hindi ito ang unang beses na nadawit ang pangalan ni Ivana sa isang pulitiko

- Gayunpaman, pinayuhan din niya si Ivana na iklaro ang isyu lalo na kung wala naman itong katotohanan

Nakarating umano sa Ogie Diaz Showbiz Update ang maugong na chika kamakailan tungkol sa aktres na si Ivana Alawi.

Ogie D, sa pagkakadawit ng pangalan ni Ivana sa isang pulitiko: "Dapat linawin ni Ivana"
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nadadawit ang pangalan ng aktres sa isa umanong pulitiko na mayroon nang asawa at pamilya.

Bagama't sinabi ng naturang pulitiko na hiwalay na raw sila ng asawa, taliwas naman ito sa ibinigay na pahayag ng kanyang misis na tila walang ideya na sinasabi nito.

Dahil dito, nakababahala umano na ang pangalan ni Ivana ang itinuturong other woman ng naturang pulitiko.

Read also

Xian Gaza, mga celebrities din umano ang source sa nasagap ukol sa hiwalayang Bea at Dominic

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Mahirap naman na husgahan natin si Ivana. Kailangan si Ivana rin ang sumagot niyan. Paano niya lilinawin 'yan, kung siya nga 'yung tinutukoy," ani Ogie Diaz na nagbiro pa at sinabing "Kung di naman siya, please disregard the previous message."

Tulad din kasi ng marami, nagtataka rin si Ogie kung bakit hindi ito ang unang beses na nadawit ang pangalan ni Ivana sa isang politician na mayroon na umanong pamilya.

"Itong mga isyung ito, dapat ay linawin ni Ivana. Sa ganda ng kanyang income, sa ganda ng kanyang career, e bakit kailangan pang sumuot dito? Kung siya nga yung tinutukoy ah."
"Kasi parang siya 'yung tinuturo e. Sana hindi ito totoo," giit din niya.
"Siyempre, tayo ay nagbabalita lang dito at tayo e ipinapasa lang kay Ivana. Kahit walang tinutukoy dito sa article o sa mga naglalabasan, pero may mga comment na siya 'yung tinuturo na pasok na pasok sa clue"

Read also

Boy Abunda: "'Pag nagkaayos sina Bea at si Dominic, no wedding is going to happen this year"

Dahil dito, hinihimok din niya si Ivana na iklaro ang mga espekulasyong ito lalo na kung wala namang katotohanan ang mga bagay na ito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.4 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Kamakailan, nabanggit ni Ivana na mayroon umano siya ngayong dini-date. "My Heart is happy," ayon pa kay Ivana. Gayunpaman, nais ni Ivana na panatilihin ang pagiging pribado ng kanyang love life.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel