Xian Gaza, mga celebrities din umano ang source sa nasagap ukol sa hiwalayang Bea at Dominic

Xian Gaza, mga celebrities din umano ang source sa nasagap ukol sa hiwalayang Bea at Dominic

- Nag-Facebook live si Xian Gaza ukol umano sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Ayon kay Xian, pawang mga artista ang kanyang source sa posible umanong dahilan ng hiwalayan ng dalawa

- Gayunpaman, nilinaw ni Xian na sa kabila ng mga impormasyong nakuha, tanging sina Bea at Dominic ang nakakaalam ng totoong dahilan

- Matatandaang matapos na mabanggit ni Ogie Diaz ang naturang isyu, kinumpirma rin ito ni Boy Abunda

Sa Facebook live ng tinaguriang 'Pambansang Marites' na si Xian Gaza, tinalakay din nito ang maingay na isyu ngayon tungkol sa umano'y hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Xian Gaza, mga celebrities din umano ang source sa nasagap ukol sa hiwalayang Bea at Dominic
Dominic Roque and Bea Alonzo (@dominicroque)
Source: Instagram

Aniya, pawang mga artista rin na kasama ng dalawa sa industriya ang source ng kanyang nakalap na impormasyon.

"Puro mga celebrities pa, artista ang nagsplook sa'kin. So ngayon, bilang pinagsabihan nila, kinompile ko ang chika"

Kanya rin nasabi ang tungkol sa prenuptial agreement na nabanggit din 'di umano ni Boy Abunda.

Read also

Boy Abunda: "'Pag nagkaayos sina Bea at si Dominic, no wedding is going to happen this year"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama't ang nasabi ni Boy ay tila imposibleng ang prenup ang naging dahilan ng pagkakalabuan ng dalawa dahil mismong si Dominic ang nagsabi umanong handa siya sa naturang kasunduan, espekulasyon ni Xian na ito nga umano ang posibleng naging problema.

Paalala ni Xian na sa kabila ng lahat nang ito, tanging sina Bea at Dominic pa rin ang makasasagot ng totoong nangyari at nangyayari pa rin sa kanilang dalawa.

"Sila lamang ang makakasagot niyan at sa atin ay mga espekulasyon lamang"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance. Kabi-kabilang nominasyon at acting awards ang kanyang natanggap na patunay lamang ng husay sa kanyang karera.

Read also

Ogie D, sa pagkakadawit ng pangalan ni Ivana sa isang pulitiko: "Dapat linawin ni Ivana"

Samantala, July 18 ng nakaraang taong 2023 nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Subalit sa kasamaang palad, mabilis na umugong ang balitang hiwalay na umano sila na unang naiulat ni Ogie Diaz. Sinundan namang ito ng kumpirmasyon din di umano ni Boy Abunda. Aminado si Boy na nagulat siya sa nangyari gayung madalas nang nababanggit ni Bea ang tungkol sa kasal sa tuwing nakakausap niya ito noon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel