Boy Abunda: "'Pag nagkaayos sina Bea at si Dominic, no wedding is going to happen this year"

Boy Abunda: "'Pag nagkaayos sina Bea at si Dominic, no wedding is going to happen this year"

- Tinutukan ng publiko ang naging pahayag ni Boy Abunda patungkol sa hiwalayan 'di umano nina Bea Alonzo at Dominic Roque

- Bukod sa pagkumpirma umano nito ng hiwalayan ng dalawa, nagbigay din siya ng iba pang detalye ayon na rin sa kanyang source

- Aminadong isa rin siya sa mga nagulat sa balitang ito, sa pag-aakalang tuloy ang kasalan

- Gayunpaman, sa mga nangyayari ngayon, wala umanong magaganap na kasalan ngayong taon, maayos man ang kalabasan ng usapan nina Bea at Dominic

Naglabas din ng kanyang pahayag ang 'King of Talk' na si Boy Abunda kaugnay sa kanya umanong nalaman sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Boy Abunda: "'Pag nagkaayos sina Bea at si Dominic, no wedding is going to happen this year"
Bea Alonzo and Dominic Roque (@dominicroque)
Source: Instagram

Noong Pebrero 6, aminadong nagulat umano si Boy nang malaman ang estado ng relasyon ng dalawa gayung madalas pa umanong mabanggit ni Bea sa kanya ang wedding plans tuwing sila ay nagkakausap noon.

Read also

Xian Gaza, mga celebrities din umano ang source sa nasagap ukol sa hiwalayang Bea at Dominic

Nakalungkot, sumindak sa akin ay ang balitang hiwalay na si Bea at si Dominic Roque.
"Sinusuyo ba si Bea? Are they still trying to talk... Siguro. Maaari. Dahil sino ba naman ang ayaw maayos ang ganitong klase ng problema."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"As a matter of fact, from good sources, kagabi o noong isang gabi lamang ay nag-usap si Bea at si Dominic. They're trying to understand each other. They're going thru a rough patch. Magkakabalikan ba ito, magtatagumpay ba sa panunuyo si Dominic or sila ni Bea... We don't know. Wala ping makakasagot ng katanungan na 'yun. But my prayer is that, may God grant them what is best for them"
"So I am confirming. yes, that hiwalay sila ngayon that last night or two nights ago, nag-usap 'yung dalawa. Ano ang status, wala. I think, kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring. But are they hoping? Ako ang hula ko is yes... Kasi hindi naman, you don't say tomorrow I'm going to stop loving."

Read also

Ogie D, sa pagkakadawit ng pangalan ni Ivana sa isang pulitiko: "Dapat linawin ni Ivana"

"Yung prenup po, medyo na-shock ako. Kasi many months ago, napag-usapan ho ito. Sa aking pagkakaalam. And I'd like to confirm this with my friends, my sources. Because, with his being talked about, yung prenup po, ang nag-volunteer sa nanay ni Bea na okay ang prenup ay si Dominic. So I don't think that it is and it was an issue. Unless nabago po 'yung kwento"
"There was no April, there was no Tagaytay... Bea and I would often talked about a wedding towards the end of the year, last quarter of the year. Pero as of now, walang wedding po na magaganap ngayong darating na Abril"

Sinabi rin ni Boy na kahit maging maayos ang kalabasan ng pag-uusap ng dalawa, walang matutuloy na kasalan ngayong taon.

Huli na lamang, kung halimbawa maayos ang dalawang ito, ito ako from my sources, sigurado ako. 'Pag nagkaayos sina Bea at si Dominic, no wedding is going to happen this year

Read also

Ogie Diaz: "Wag n'yo po akong gawing patron ng mga marites"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa programa niyang Fast Talk with Boy Abunda:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance. Kabi-kabilang nominasyon at acting awards ang kanyang natanggap na patunay lamang ng husay sa kanyang karera.

Samantala, July 18 ng nakaraang taong 2023 nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Matatandaang naikwento rin ni Bea ang minsang hindi niya paniniwala sa kasal dala ng kanyang mga karansan. Subalit tila taliwas na ito sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay pag-ibig lalo na at pinaghahandaan na nila ni Dominic ang sarili nilang kasalan na inaasahang magaganap 'di umano sa susunod na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel