Ogie Diaz: "Wag n'yo po akong gawing patron ng mga marites"

Ogie Diaz: "Wag n'yo po akong gawing patron ng mga marites"

- Nagbahagi ng mensahe si Ogie Diaz kasunod ng paglabas ng kumpirmasyon tungkol sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque

- Kasunod kasi ng pahayag ni Boy Abunda tungkol dito, may mga netizens na nagpost tungkol sa mga breakups ng artista na kinumpirma ni Ogie

- Biro pa niya, huwag daw siyang gawing patron ng mga marites at ang mahalaga aniya ay tama ang mga impormasyong binabahagi nila sa kanilang YouTube channel

- Sa kabila nito ay aminado siyang nalulungkot siya sa hiwalayang Bea at Dominic

Nagbigay ng reaksiyon si Ogie Diaz kasunod ng paglabas ng kumpirmasyon tungkol sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque. Isa lamang ang breakup nila Bea at Dominic sa mga breakups ng mga artista na kinumpirma ni Ogie.

Ogie Diaz: "Wag n'yo po akong gawing paton ng mga marites"
Ogie Diaz: "Wag n'yo po akong gawing paton ng mga marites"
Source: Facebook

Aniya, huwag daw siyang gawing patron ng mga marites at ang mahalaga aniya ay tama ang mga impormasyong binabahagi nila sa kanilang YouTube channel.

Read also

Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'

Salamat po sa mga “sumasamba” sa inyong lingkod. Hahaha! Wag n'yo po akong gawing patron ng mga marites.
Basta ang importante, tama po ang mga impormasyong inilalatag namin sa Ogie Diaz Showbiz Update Youtube Channel habang wala kaming pakialam sa mga bashers.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inamin niyang maging siya ay nalungkot sa hiwalayang Bea at Dominic dahil aniya ay gusto niya sila.

Nakakalungkot lang din yung break up nina Dominic at Bea, no? #Sadboi este #SadGay ako. Wa echos, gusto ko pa naman sila.
Ogie Diaz: "Wag n'yo po akong gawing patron ng mga marites"
Ogie Diaz: "Wag n'yo po akong gawing patron ng mga marites"
Source: Facebook

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake"

Muling nabuhay ang umano'y isyu ng AlDub matapos na magsalita si Maine ukol dito sa panayam sa kanya ni Ogie. Aniya mainam na magsalita na rin si Alden upang mas mapagtibay ang pahayag ni Maine na naging on-screen partners lang sila. Sinang-ayunan din ni Ogie ang mungkahi ng netizen na sana'y maglabas din ng pahayag ang Eat Bulaga kaugnay sa isyu. Matapos kasi ang panayam kay Maine ni Ogie, agad na lumabas ang video ng 'di umano'y pagtitipon ng 'AlDub Nation.'

Read also

Boy Abunda: "Kung tama ang aking source, si Bea ay isinauli ang kanilang engagement ring"

Sa panayam ni Ogie kay Maine, naibahagi ni Maine ang tungkol sa pakikipag-ugnayan niya sa mga AlDub fans. Noon umano ay talagang personal siyang nagpapadala ng message para pabulaanan ang mga haka-haka sa kanila ni Alden. Aniya, ayaw niyang para siyang may nilolokong tao para lang sa pera at kasikatan dahil hindi siya ganoong klase ng tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel