Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'

Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'

- Usap-usapang ang hiwalayang Dominic Roque at Bea Alonzo matapos kumpirmahin ni Boy Abunda ang tungkol dito

- Gayunpaman, wala pang nilalabas na pahayag ang magkabilang panig at ayon kay Tito Boy ay sinusubukan ng dalawa na mag-usap para maayos ang relasyon nila

- Sa gitna ng mainit na usapin, hindi nakaligtas ang Instagram story ng kapatid ni Dominic na si Lhean Roque

- Ibinahagi nito ang picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing' na nangangahulugang pagkukunwaring mabuti o mabait

Nagbahagi ang kapatid ni Dominic Roque ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing' sa kanyang Instagram story. Hindi ito nakaligtas sa mga netizens lalo at kinumpirma maging ni Boy Abunda ang tungkol sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic.

Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'
Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'
Source: Instagram

Wala pang nilalabas na pahayag ang magkabilang kampo kaugnay dito pero lalong naging maugong ang usapin nang matanong kamakailan si Bea tungkol sa paghahanda nila sa kanilang kasal. Walang maisagot si Bea dahil aniya ay wala pa talaga silang plano ni Dom.

Read also

Toni Fowler: "Wag kang babalik ng iiyak-iyak ha? Panindigan mo yan"

Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'
Kapatid ni Dominic Roque, nag-post ng picture na nagpapakita ng 'wolf in sheep's clothing'
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel