James Reid, pinagtanggol si Issa Pressman: "I'm the happiest I've ever been"

James Reid, pinagtanggol si Issa Pressman: "I'm the happiest I've ever been"

- Nagsalita na si James Reid kaugnay sa isyung kinasasangkutan nila ni Issa Pressman kasunod ng pagpost nila ng pictures nilang magkasama

- Ani James, walang katotohanan ang mga haka-haka tungkol kay Issa at mga rumors lamag daw ang lahat ng iyon

- Hindi niya raw ugali na sagutin ang mga bashers o makisali sa hate culture ngunit aniya ay kailangan niya nang magsalita

- Aniya pa, hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang simula ng "something beautiful" sinabi niya din na ngayon siya naging pinakamasaya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinagtanggol ni James Reid si Issa Pressman mula sa mga bashers at sinabing walang katotohanan ang mga pinupukol na isyu kay Issa. Hindi niya raw ugali na sagutin ang mga bashers o makisali sa hate culture ngunit aniya ay kailangan niya nang magsalita.

Read also

Seth Fedelin, hindi nabigo nang tanungin si Francine Diaz na maging prom date niya

James Reid, pinagtanggol si Issa Pressman: "I'm the happiest I've ever been"
James Reid, pinagtanggol si Issa Pressman: "I'm the happiest I've ever been" (@james)
Source: Instagram
I'm only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors.

Aniya pa, hindi niya hahayaang mawala sa kanya ang simula ng "something beautiful" sinabi niya din na ngayon siya naging pinakamasaya.

I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I'm not gonna let anyone take that from me.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

All you need to know from me is that im the happiest I've ever been.

James Reid, pinagtanggol si Issa Pressman: "I'm the happiest I've ever been"
James Reid, pinagtanggol si Issa Pressman: "I'm the happiest I've ever been" (@james)
Source: Instagram

Si James Reid ay isang Filipino - Australian actor. Una siyang nakilala bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Clash kung saan siya ang tinanghal na big winner noong 2010. Nakilala ang tambalan nila ng kanyang dating nobya na si Nadine Lustre bilang "JaDine." Matatandaang Enero ng taong 2020 nang aminin nina James at Nadine na hiwalay na sila. Gayunpaman, nanatili umano silang magkaibigan kaya ilang beses din silang namataang magkasama kahit hiwalay na sila.

Read also

Camille Prats, walang pagsisisi na maagang pumasok sa pag-aartista

Magkasama sina James at Issa na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan. Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay. Si James din ay nagbahagi ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa. Kahit walang pag-amin ay umani ng mga komento ang post nilang dalawa lalo at kinailangang ipagtanggol noon ni Yassi Pressman ang kapatid nang maiugnay kay James.

Nagbahagi naman si Yassi Pressman ng makahulugang mensahe sa kanyang Instagram stories sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng kanyang kapatid. Hindi nito diretsahang sinabi na patungkol sa isyu ng kanyang kapatid ang sinabi niyang dapat abangang "2 sides of a story". Sa pag-viral ng picture ng kapatid niyang si Issa kasama si James Reid, naungkat ang ginawang pagtatanggol ni Yassi noon sa kapatid. Ito ay sa kasagsagan ng pagkakadawit noon kay Issa sa hiwalayang James at Nadine Lustre.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel