James Reid at Issa Pressman, trending dahil sa picture nilang magkasama

James Reid at Issa Pressman, trending dahil sa picture nilang magkasama

- Magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan

- Sa unang pagkakataon ay nagbahagi si Issa ng picture nilang magkasama na tila magkahawak-kamay

- Si James din ay nagbahagi ng pictures at video kung saan makikitang kasama niya nga si Issa

- Kahit walang pag-amin ay umani ng mga komento ang post nilang dalawa lalo at kinailangang ipagtanggol noon ni Yassi Pressman ang kapatid nang maiugnay kay James

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Magkasama sina James Reid at Issa Pressman na nanood ng concert ni Harry Styles kamakailan. Agad na naging usap-usapan ang post ni Issa kung saan makikitang tila magkahawak-kamay sila ni James.

James Reid at Issa Pressman, trending dahil sa picture nilang magkasama
James Reid at Issa Pressman, trending dahil sa picture nilang magkasama (@james)
Source: Instagram

Simula nang maiugnay ang dalawa kasunod ng paghihiwalay nina James at Nadine Lustre ay ipinagtanggol ni Yassi ang kapatid. Kaya naman marami sa mga JaDine fans ang nag-react sa pagpost nila ni James ng pictures nilang magkasama.

Read also

Mariel Padilla at Amy Perez, kinaaliwan sa kanilang ukay-ukay shopping challenge

Ilang beses na ring naibahagi online ang pictures nila matapos mamataan na magkasama. Gayunpaman, wala namang pag-amin o paglilinaw ang dalawa kaugnay dito. May mga nagsasabi naman na hayaan na lamang ang dalawa at parehas naman nang masaya sina James at Nadine.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si James Reid ay isang Filipino - Australian actor. Una siyang nakilala bilang isa sa mga housemates ng Pinoy Big Brother: Teen Clash kung saan siya ang tinanghal na big winner noong 2010. Nakilala ang tambalan nila ng kanyang dating nobya na si Nadine Lustre bilang "JaDine." Matatandaang Enero ng taong 2020 nang aminin nina James at Nadine na hiwalay na sila. Gayunpaman, nanatili umano silang magkaibigan kaya ilang beses din silang namataang magkasama kahit hiwalay na sila.

Sa kanyang Instagram post, isinapubliko ni James ang tungkol sa kanyang binibentang bahay. Nagbahagi din siya ng mga pictures ng iba't-ibang bahagi ng nasabing bahay na matatagpuan sa Loyola Grand Villas, Katipunan. Hindi naman mapigilang malungkot ng mga tagasuporta ng tambalang JaDine dahil ito ang bahay kung saan nagkasama ang dalawa noong hindi pa sila naghiwalay. Hindi man kinukumpirma ni Nadine, ilang beses nang namamataan ang aktres na kasama ang kanyang napapabalitang bagong karelasyon.

Read also

Jason Hernandez: "You don't need a lot of things pala para maging masaya"

Kamakailan ay namataan si James sa graduation ng kapatid niyang si Chantal Calicdan. Nagbahagi ng mga pictures nila ang kapatid niya na kuha sa araw ng kanyang pagtatapos. Marami naman sa mga netizens ang bumati at natuwa kay James dahil sa pagiging supportive nito sa kanyang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel