Mariel Padilla at Amy Perez, kinaaliwan sa kanilang ukay-ukay shopping challenge

Mariel Padilla at Amy Perez, kinaaliwan sa kanilang ukay-ukay shopping challenge

- Kinaaliwan sina Mariel Padilla at Amy Perez sa video na binahagi ni Mariel sa kanyang YouTube channel

- Matapos ang matagal na panahon ay ngayon lang uli nakita si Mariel na nakasama ang isa sa kanyang mga kasamahan dati sa 'It's Showtime'

- Kaya naman, aminado silang parehas na na-miss nila ang isa't-isa lalo at sila umano ay palaging magkasama noon lalo na sa kalokohan

- Ang tinutukoy nilang 'kalokohan' ay ang paghahanap nila ng good deals online

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakasama ni Mariel Padilla si Amy Perez sa kanyang ukay-ukay shopping challenge. Matapos ang matagal na panahon ay ngayon lang uli nakita si Mariel na nakasama ang isa sa kanyang mga kasamahan dati sa It's Showtime.

Mariel Padilla at Amy Perez, kinaaliwan sa kanilang ukay-ukay shopping challenge
Mariel Padilla at Amy Perez, kinaaliwan sa kanilang ukay-ukay shopping challenge (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Kwento pa ni Mariel, kahit noong magkakasama sila sa It's Showtime, mahilig umano sila ni Tiyang Amy tumingin ng mga great deals online. Ito umano ang malimit nilang gawin na magkasama. Puring-puri din ni Mariel si Tyang Amy dahil aniya ay may sagot ito sa lahat ng kanyang tinatanong.

Read also

Maricel Soriano, kinaaliwan sa TikTok video kasama sina Marjorie Barretto at mga anak nito

Marami naman ang natuwa na makitang magkasama ang dalawa dahil simula nang tumigil si Mariel sa It's Showtime ay hindi na ito masyadong nakikitang kasama ang mga co-hosts niya:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Nagbahagi kamakailan ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinututkoy niya fake account ay may handle na @marieltpadilla_ - Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel