Maricel Soriano, kinaaliwan sa TikTok video kasama sina Marjorie Barretto at mga anak nito

Maricel Soriano, kinaaliwan sa TikTok video kasama sina Marjorie Barretto at mga anak nito

- Nagbahagi si Maricel Soriano ng TikTok video kung saan kasama niyang humataw sina Marjorie Barretto at ang mga anak nito

- Tanging si Julia Barretto lamang ang hindi nakasama sa naturang video na kuha sa mismong bahay ni Marjorie

- Sa nailabas na vlog ng Diamond star ay pumunta siya sa bahay ni Marjorie at nag-ref raid pati na rin tumikim ng luto ni Marjorie

- Marami sa followers ni Maricel ang natuwa na nakikipag-collab siya sa maraming artista lalo at hindi siya masyadong napapanood sa telebisyon sa kasalukuyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan sina Maricel Soriano sa binahagi niyang TikTok video kung saan sumayaw siya kasama sina Marjorie Barretto at ang mga anak nitong sina Dani, Claudia, Leon at Erin Barretto.

Maricel Soriano, kinaaliwan sa TikTok video kasama sina Marjorie Barretto at mga anak nito
Maricel Soriano, kinaaliwan sa TikTok video kasama sina Marjorie Barretto at mga anak nito (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Sa naturang video ay makikitang sinayaw ng mag-iina kasama si Ms Maricel ang aniya'y bagong trend daw sa TikTok. Hindi naman nakasama si Julia sa naturang video lalo at may sarili na itong bahay at ayon kay Marjorie ay Linggo sila kadalasang nagkakasama dahil ito ang kanilang family day.

Read also

Kim Chiu, pinasalamatan at binati si Direk Lauren na aniya'y unang taong naniwala sa kanya

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel