Seth Fedelin, hindi nabigo nang tanungin si Francine Diaz na maging prom date niya

Seth Fedelin, hindi nabigo nang tanungin si Francine Diaz na maging prom date niya

- Sinorpresa ni Seth Fedelin si Francine Diaz nang yayain niya ito para maging prom date niya

- Ani Seth, siya mismo ang nagplano ng lahat at siya din ang namili ng mga ginamit para sa kanyang surprise dinner

- Kausap niya din ang mommy ni Francine at maging ang manager ni Francine ay una niya nang kinausap

- Pumayag naman si Francine na maging ka-date si Seth at nagpasalamat ito sa kanyang pa-surprise

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Seth Fedelin na kinakabahan siya nang tanungin si Francine Diaz kung pwede itong maging prom date niya. Aniya, pinagpaalam niya muna sa mommy at manager ni Francine ang kanyang ginawang surprise dinner.

Seth Fedelin, hindi nabigo nang tanungin si Francine Diaz na maging prom date niya
Seth Fedelin, hindi nabigo nang tanungin si Francine Diaz na maging prom date niya (Star Magic)
Source: Youtube

Aniya, siya mismo ang nagplano ng lahat at maging ang namili ng mga gagamitin sa kanyang surprise. Bukod sa bulaklak at mga kandila, mayroon ding pa-fireworks display si Seth.

Read also

Camille Prats, walang pagsisisi na maagang pumasok sa pag-aartista

Pumayag naman si Francine na maging ka-date si Seth at nagpasalamat ito sa kanyang pa-surprise.

Narito ang komento ng kanilang mga fans:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Seth is very genuine towards Francine, the effort he gave for the prom proposal is very much appreciated. all women deserve a seth fedelin. Nakaka proud kayo franseth!
Ang precious ni Francine dahil naiilang si Seth humawak kai Francine...gusto ko Yong respeto ni Seth kai Francine
Super duper salute Seth for being so respectful kay Chin & to her family. Grabe yung genuine ng heart niya towards Chin. He's very gentleman and kitang kita ang respect niya the way he hold Francine. Lalong lalo na yung part ang Family sa plano at the whole fam of Chin was there. Grabe!

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Read also

Claudine Barretto, binati si Rico Yan sa paggunita ng kaarawan nito

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ding mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate