Claudine Barretto, binati si Rico Yan sa paggunita ng kaarawan nito

Claudine Barretto, binati si Rico Yan sa paggunita ng kaarawan nito

- Binahagi ni Claudine Barretto ang picture ng isang cake para sa paggunita ng kaarawan ni Rico Yan

- Kalakip ito ng kanyang pagbati sa namayapang aktor na naging karelasyon niya noon

- Kahit matagal nang namayapa ay marami pa rin sa tagasuporta ng tambalan nila ang inaalala ang aktor

- Maging si Claudine ay taon-taong may pagbati sa kaarawan at pag-alala sa pagpanaw ni Rico

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalala ni Claudine Barretto si Rico Yan sa ika-48 na kaarawan nito. Sa kanyang binahaging picture ng cake para sa yumaong aktor ay nagbahagi din siya ng kanyang pagbati.

Claudine Barretto, binati si Rico Yan sa paggunita ng kaarawan nito
Claudine Barretto, binati si Rico Yan sa paggunita ng kaarawan nito (@claubarretto)
Source: Instagram

Sa kanyang pagbati, sinabi niyang "forever missed, loved & remembered" si Rico. Ngayong buwan din gugunitain ang kanyang pagpanaw. Matatandaang gumimbal sa publiko ang balita tungkol sa pagpanaw ng matinee idol noong March 29, 2002 sa Puerto Princesa.

Read also

Kathniel, posibleng mapanood umano sa FPJ Batang Quiapo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami naman sa tagasuporta ng tambalan nila ang nagbahagi din ng kanilang mensahe:

Yung hinihintay ko talaga Yung post mo miss Claudine ☺️ iloveyou sobra sobra kayong dalawang RY Happiest birthday RY!
Ito talaga hinihintay ng mga RYCB fans ang makita ang ganitong post mo miss Claudine iloveyou!
Thank you so much Idol @claubarretto ❤️❤️❤️ for remembering Rico in his special day...hindi complete ang Birthday ni RY kung wala ang iyong greetings..

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Read also

Alden Richards, emosyonal sa pagbabalik Eat Bulaga: "Naiyak talaga ako"

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuport ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel