Kathniel, posibleng mapanood umano sa FPJ Batang Quiapo

Kathniel, posibleng mapanood umano sa FPJ Batang Quiapo

- Posible umanong mapanood sa FPJ Batang Quiapo ni Coco Martin ang tambalang Kathniel

- Bukas umano ang pinto ng power couple ng bansa sa posibilidad na makatrabaho si Coco sa kauna-unahang pagkakataon

- Ayon pa mismo kay Daniel, kaibigan niya si Coco at suportado niya ito sa kanyang proyekto

- Isa ang Kathniel sa maituturing na matatag na love team sa bansa habang si Coco naman ang tinaguriang 'Primetime King'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpasabik sa kanilang mga fans ang tambalang 'Kathniel' nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang masabing posible umano silang mapanood sa FPJ Batang Quiapo.

Kathniel, posibleng mapanood umano sa FPJ Batang Quiapo
Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Coco Martin (@mjfelipe)
Source: Twitter

Nalaman ng KAMI na nausisa umano ni MJ Felipe ng ABS-CBN News si Daniel matapos na mapansing tila bumulong ito kay Coco Martin nang magkita sila sa isang event kamakailan.

Read also

Alden Richards, emosyonal sa pagbabalik Eat Bulaga: "Naiyak talaga ako"

"Coco is a good guy, magkaibigan naman kami at hindi pa kami nagkakaroon ng pagkakataon na magkatrabaho so 'pag may magandang mga letra na ibibigay sa'min, why not," ani Daniel na suportado umano ang proyekto ni Coco.

Sakaling matuloy nga ito, ito ang kauna-unahang proyekto na magpsasamahan ng dalawa. Gayundin si Kathryn na suportado ang anumang mga proyekto ni Daniel.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng panayam kay Daniel Padilla mula sa TV Patrol:

Ang FPJ Batang Quiapo ang isa sa mga pinakaabangang palabas gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes. Pinangungunahan ito ng 'Primetime King' na si Coco Martin na kilala sa paggawa ng de kalidad na mga teleserye sa bansa. Katunayan, tumagal ng pitong taon ang nauna nitong serye na FPJ Ang Probinsyano.

Labis namang hinangaan si Miles Ocampo sa pilot episode ng Batang Quiapo. Kabi-kabilang papuri ang kanyang natanggap, mula sa netizens hanggang sa mga kapwa niya artista.

Read also

Ogie D, ibinahagi ang buradong video greeting ni Dennis Padilla sa anak na si Julia

Emosyonal si Miles nang matalakay nila ito sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano. Aniya, weakness niya talaga ang masabihan ng mga magagandang salita at papuri sa kanya ng marami.

Samantala, minsan nang nabanggit ni Liza Soberano na na-pressure umano sila sa tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Madalas kasi umanong ikumpara ang mga artista at lalong-lalo na ang mga love teams sa isa't isa bagay na hindi umano nagustuhan ni Liza.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel