Rendon Labador, pinagsabihan si Rosmar Tan sa pagtakbo nito
- Pinayuhan ni Rendon Labador si Rosmar Tan na mag-back out sa balak nitong pagtakbo sa pulitika upang maiwasan ang mga komplikasyon
- Sinabi ni Labador na mas mabuting manatili si Rosmar sa pagtulong na hindi kinakailangan ang posisyon sa gobyerno
- Inalok si Rosmar ng posisyon sa PBA Partylist bilang ikalawang nominee, na maaaring mas angkop daw dahil nakatuon sa kabataan at sports ang adbokasiya
- Handa raw si Labador na suportahan si Rosmar kung ito’y pipiliing sumali sa partylist kaysa sa mas mataas na posisyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Pinayuhan ng 'motivational speaker' at influencer na si Rendon Labador ang kapwa influencer na si Rosmar Tan na mag-isip nang mabuti bago pasukin ang mundo ng pulitika. Ayon kay Labador, malayo ang realidad ng pulitika sa simpleng paggawa ng internet content. Sa kanyang social media post, sinabi niyang personal niyang kinausap si Rosmar upang ipaliwanag ang mga hamon at responsibilidad ng pagiging lingkod-bayan.
"Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi internet ang pulitika. Mag back-out ka na lang para matahimik na ang Pilipinas," ani Labador. Dagdag pa niya, mas makakabuti para kay Rosmar na magbago ng isip habang may oras pa, sa halip na ituloy ang kanyang planong pagtakbo.
Ibinahagi rin ni Labador na si Rosmar ay may offer mula sa PBA Partylist na maging ikalawang nominee. Bagamat sinabi niyang mas mainam kung sa larangan ng sports at kabataan ang pagtutok ng adbokasiya ni Rosmar, naniniwala si Labador na hindi kinakailangang pumasok ng kanyang kaibigan sa pulitika para makatulong sa kapwa. Saksi raw siya sa pagtulong ni Rosmar kahit walang kamera, kaya’t may kakayahan itong magserbisyo kahit wala sa gobyerno.
Nag-iwan din si Labador ng mensahe sa mga kapwa content creator, na huwag gawing content ang Pilipinas. "Kayong mga content creator, hindi porket sumikat o nakilala lang kayo ay parang entitled na kayong maglingkod sa bayan. Kailangan po ito ng seryosong commitment at tunay na pagmamahal sa bayan."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kabila ng kanyang pagtutol, sinabi ni Labador na handa siyang suportahan si Rosmar kung magpasya ito na ituloy ang pagtulong sa pamamagitan ng partylist. "Kung talagang hindi ka mapipigil at nasa puso mo ang pagtulong, sige, mas okay na lang diyan sa PBA Partylist... Sasamahan pa kita sa kampanya mo," wika niya.
Para kay Labador, mas bagay kay Rosmar ang tahimik ngunit makabuluhang serbisyo, at kung itutuloy nito ang nasabing landas, magmumula ang kanyang suporta sa isang mas makabuluhang adbokasiya kaysa sa simpleng popularidad.
Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.
Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya.
Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh