7 Patay, mahigit 100 sugatan sa banggaan ng bus at kotse sa Majayjay, Laguna

7 Patay, mahigit 100 sugatan sa banggaan ng bus at kotse sa Majayjay, Laguna

- Pito ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan matapos magbanggaan ang tourist bus at kotse sa Majayjay, Laguna

- Agad rumisponde ang mga rescue teams mula sa Laguna at Quezon upang sagipin ang mga biktima

- Sinisilip ng mga imbestigador ang posibilidad ng human error at overloading ng bus

- Nakakulong na ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple h0micide

Pito ang nasawi at mahigit 100 ang sugatan matapos magbanggaan ang isang tourist bus at isang kotse sa zigzag na bahagi ng Majayjay-Lucban Road sa Barangay Bakia, Majayjay, Laguna nitong Linggo ng hapon.

7 Patay, mahigit 100 sugatan sa banggaan ng bus at kotse sa Majayjay, Laguna
7 Patay, mahigit 100 sugatan sa banggaan ng bus at kotse sa Majayjay, Laguna (ABS-CBN News)
Source: Facebook

Ayon sa mga ulat ng ABS-CBN News, rumisponde ang mga rescue teams mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa Laguna at Quezon Province upang sagipin ang mga biktima, na karamihan ay naipit sa loob ng bus. Nangyari ang aksidente bandang alas-3 ng hapon, subalit inabot na ng gabi bago nailigtas ang lahat ng mga biktima.

Read also

Lolong inatake sa puso, sinaklolohan ng tattoo artist na ‘di niya kakilala

Isa sa mga unang sumaklolo ay ang mga nagtitinda ng lansones sa gilid ng kalye. Ayon kay CJay Christian Cayaban, sinikap nilang unahin ang mga bata at inilabas ang mga ito sa maliit na bintana ng bus. Tumawag din sila ng tulong mula sa 911 at iba pang dumaraang motorista.

Apat ang nasawi on the spot, kabilang ang isang babaeng naputol ang paa at tumilapon sa bangin. Tatlong iba pa ang binawian ng buhay sa ospital. Karamihan sa mga biktima ay isinugod sa Majayjay District Hospital, Nagcarlan Hospital, at Laguna Medical Center sa Sta. Cruz.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na galing ang tourist bus sa Kamay ni Hesus, isang pilgrimage site sa Lucban, Quezon, at pauwi na sa Bacoor City, Cavite. Ayon sa driver ng bus na si Nelson Bolanos, nagulat siya nang makasalubong ang kotse sa isang pakurbadang bahagi ng kalsada, dahilan upang mabilis niyang bawiin ang manibela patungo sa gilid. Naipit ang bus sa puno, kaya’t hindi ito tuluyang nahulog sa bangin.

Read also

Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya

Sa kabila ng pagsusumikap ng driver, bumalagbag ang bus at nawasak ang harapan nito matapos ang head-on collision sa kotse, na minamaneho ni Hazel Reyes. Anim ang sakay ng kotse, at apat sa kanila ang nagtamo ng mga sugat.

Sinisilip ng Majayjay Police Station ang posibilidad ng human error at overloading ng bus, na may higit 100 sakay kahit dapat ay 60 lamang. Ayon kay PMaj. Jordan Aguilar, hindi rin talaga ruta ng mga bus ang Majayjay-Lucban Road, at delikado ito dahil sa matatarik at pakurbadang bahagi ng kalsada.

Ang driver ng bus ay nakakulong na at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple h0micide, multiple physical injuries, at damage to properties.

Sa ibang balita, tampok sa social media ang isang lalaki na tinulungan ang rider na nakabangga sa kotse niya. Aniya, bumagsak ang motorsiklo at kasama ang rider nito sa pagtumba nang mangyari ang banggaan.

Read also

Bangka na may sakay na mahigit 20 na bata, tumaob sa Guagua, Pampanga

Samantala, binahagi ni Dr. Krizzle Luna o mas kilalang “Doc Luna” ang isang video kung saan humingi siya ng panalangin sa mga netizens. Ito ay matapos niyang masangkot sa aksidente sa daan nang mawalan ng preno ang nasalubong nilang sasakyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate