Tiktoker na si Krizzle Luna, tinamaan ang ‘spine’ matapos maaksidente

Tiktoker na si Krizzle Luna, tinamaan ang ‘spine’ matapos maaksidente

- Binahagi ni Dr. Krizzle Luna o mas kilalang “Doc Luna” ang isang video kung saan humingi siya ng panalangin sa mga netizens

- Ito ay matapos niyang masangkot sa aksidenta sa daan nang mawalan ng preno ang nasalubong nilang sasakyan

- Lubhang tinamaan ang parte ng kanyang leeg na bahagi rin ng kanyang spine o ‘yung tinatawag na “C6 vertebra

- Dahil dito ay hindi niya maigalaw ang kanyang katawan ngunit nagagalaw naman umano niya kahit papaano ang kanyang kamay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Dr. Krizzle Luna o mas kilalang “Doc Luna” ang kanyang pasasalamat sa mga mensahe at dasal para sa kanya matapos siyang maaksidente. Hindi daw niya maigalaw ang kanyang katawan ngunit nagagalaw naman umano niya kahit papaano ang kanyang kamay.

Tiktoker na si Krizzle Luna, hindi dahil tinamaan ang ‘spine’ matapos maaksidente
Tiktoker na si Krizzle Luna, hindi dahil tinamaan ang ‘spine’ matapos maaksidente (@lunakrizzle)
Source: Instagram

Makikita sa video na kanyang binahagi ang kanyang kalagayan habang naka-confine sa ospital. Nagawa pa nitong gawing nakakaaliw ang kanyang video kagaya sa kanyang nakasanayang paraan ng paggawa ng kanyang content.

Nawalan umano ng preno ang kasalubong nilang sasakyan. Gayunpaman, nagpapasalamat siya sa Panginoon na kahit naapektuhan ang kanyang spine ay nakaligtas pa rin siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“Nagkaroon po ng vehicular accident na nawalan po ng preno ‘yung nakasalubong naming sasakyan pero grabe si Lord. Kahit na naapektuhan ‘yung C6 ko, ayan coherent pa rin tayo,”

Dahil dito ay hindi niya maigalaw ang kanyang katawan ngunit nagagalaw naman umano niya kahit papaano ang kanyang kamay. Hindi niya pa raw nagagalaw nang maayos ang kanyang paa pero aniya ay posible naman niyang magalaw ito kapag mawala ang pamamaga.

Humingi siya ng patuloy ng pagdarasal para sa kanya at sa kanyang pamilya. Pinasalamatan niya rin ang kanyang mga kaibigan at pamilya. Aniya, lalaban siya at alam niyang kakayanin niyang lumaban.

“Kaya natin ‘to, lalaban tayo, lalaban si Doc Luna. Maraming, maraming salamat sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko,”

Bumuhos naman ang mensahe ng netizens para sa kanyang mabilis na paggaling.

Ang TikTok content creator na si Dr. Krizzle Luna ay nakilala sa kanyang mga ginagawang video tungkol sa paglilinaw kaugnay sa mga misconception pagdating sa usaping pangkalusugan. Nakilala siya sa kanyang mga nakakaaliw na content noong kasagsagan ng pandemya. Mayroon siyang 7 milyong subscribers sa TikTok sa kasalukuyan.

Sa kasalukuyan, marami na rin ang nakikilala sa social media platform na TikTok. Kabilang sa mga TikTok content creator na pinag-usapan nitong nakaraan taon ay si Aira Lipata matapos nitong maugnay sa rapper na si Skusta Clee.

Naging usap-usapan din ang pagpanaw ng kilalang TikToker na kilala sa bansag na 'The Dub King' noong Mayo nang nakaraang taon. Base sa lumabas na ulat, nagkaroon umano ng typhoid fever si Jules Eusebio na naging dahilan ng kanyang pagpanaw.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel