Skusta Clee at TikToker na si Aira Lipata, nag-post ng picture nilang magkasama

Skusta Clee at TikToker na si Aira Lipata, nag-post ng picture nilang magkasama

-Binahagi ni Skusta Clee ang litrato niya kasama si Aira Lipata sa kaniyang Instagram Story sa kabila ng mga kontrobersiyang kanyang kinasasangkutan

- Maging si Aira ay binahagi sa kanyang IG story ang parehas na picture na binahagi ni Skusta Clee

- Si Aira ay isang TikToker na mayroong mahigit 1 million followers sa kanyang TikTok account na may handle na @chiefairaph

- Matatandaang si Aira ay iniuugnay kay Skusta Clee ngunit wala pang nilalabas na kumpirmasyon mula sa kanila

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Skusta Clee mismo ang unang nag-post ng picture nila ng TikToker na si Aira Lipata sa kanyang Instagram story. Maging si Aira ay binahagi sa kanyang IG story ang parehas na picture na binahagi ni Skusta ngunit wala pang nilalabas na kumpirmasyon mula sa kanila tungkol sa pag-uugnay sa kanila.

Read also

Rocky Salumbides, binahagi ang kanyang bagong karelasyon

Skusta Clee at TikToker na si Aira Lipata, nag-post ng picture nilang magkasama
Skusta Clee (@extraordinaryl)
Source: Instagram

Si Aira ay isang TikToker na mayroong mahigit 1 million followers sa kanyang TikTok account na may handle na @chiefairaph. Naiugnay siya kay Skusta matapos ang kontrobersiyal na hiwalayan nina Zeinab Harake at Skusta Clee.

Matatandaang mismong si Valentine Rosales ang nagkwento tungkol sa lumabas na balita tungkol sa gulong kinasangkutan nina Zeinab at ni Aira kamakailan sa isang club.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Daryl Jake Borja Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ay isang Pinoy rapper, singer-songwriter, record producer, at member ng hip-hop group na Ex Battalion o Ex-B na sumikat sa kanilang hit single na "Hayaan Mo Sila." Kabilang sa pinasikat na kanta ni Skusta Clee ay "Zebbiana", "Pauwi Nako", at "Lagi".

Matatandaang matapos lumabas ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Zeinab Harake, umani man ng pambabatikos, may mga netizens pa rin na bumilib sa talento ni Skusta Clee sa nilabas na music video ng bago nilang kanta ng kapwa niya rapper na si Gloc-9. Umabot sa top 3 trending videos sa YouTube ang music video ng kanilang kantang pinamagatang "Kumpisal".

Samantala, sa video na nilabas ng content creator na si Makagago, pinanindigan niya ang nauna niyang sinabi na scripted umano ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee. Ito ay matapos nga maglabas ng bagong kanta ni Skusta Clee kagaya ng nauna niyang sinabi sa isang video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel