Lalaking tinulungan pa ang rider na nakabangga sa kotse niya, umantig sa mga netizens

Lalaking tinulungan pa ang rider na nakabangga sa kotse niya, umantig sa mga netizens

- Tampok sa social media ngayon ang isang lalaki na tinulungan ang rider na nakabangga sa kotse niya

- Aniya, bumagsak ang motorsiklo at kasama ang rider nito sa pagtumba nang mangyari ang banggaan

- Imbis na singilin sa pagpapaayos ng kotse, sinabi agad ng lalaki na hindi niya sisingilin ang nakabangga sa kanya

- Natuwa naman ang mga netizens sa naging kabaitan ng lalaki sa taong nakabangga sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan matapos mabangga ng isang motorsiklo ang kotse niya.

Nalaman ng KAMI na imbis na magalit at singilin ang nakabangga, tinulungan pa ito ng lalaki.

Lalaking tinulungan pa ang rider na nakabangga sa kotse niya, umantig sa mga netizens

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Mark Flores, nabangga raw ng motorsiklo ang sasakyan niya. Bumagsak ang motor at kasama sa pagtumba nito ang rider.

Driver na ginawang tindahan ang kanyang taxi, umantig sa mga netizens

Subalit, imbis na magalit ay nagpasya ang driver na huwag nang singilin ang rider para sa naging damage sa sasakyan niya.

“Hindi lahat ng binangga ay maniningil,” paliwanag ng lalaking driver.

“Isipin din natin kung kaya niyang magbayad at maawa din tayo sa kanila kasi kadarampot lang sahod nila,” dagdag niya pa.

Makikita nga sa mga picture na sinakay pa ng lalaki ang nakabangga sa kanya papunta sa presinto upang aregluhin ang insidente.

Natuwa naman ang mga netizens sa kabaitan ng driver sa nakabangga sa kanya. Narito nga ang komento ng mga netizes:

“Ang bait nyo po kuya”
“Maraming darating na blessings sayo sir.. i salute u....”
“Sana marami pang taong maging katulad mo sir.God bless po”
“God bless you always sir ..ang bait mong tao.makakaintindi sa mahihirap”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Rider, umalma nang pagtulungan ng mag-asawang nakaalitan sa kalye

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagkaroon din ng ganitong kwento ang artistang si Daniel Padilla matapos niyang tulungan ang isang tricycle driver na nakabangga sa mamahalin niyang kotse.

Agad nga naging viral si Daniel dahil sa insidenteng ito at dahil na rin sa kanyang kabaitan sa driver.

Ayon naman sa nanay ni Daniel na si Karla Estrada, maayos naman ang naging kalagayan ng aktor matapos ang insidente.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel