Elizabeth Oropesa, nagbahagi ng mensahe para kay Carlos Yulo

Elizabeth Oropesa, nagbahagi ng mensahe para kay Carlos Yulo

- Pinangaralan ni Elizabeth Oropesa si Carlos Yulo sa isang TikTok video dahil sa umano'y hindi magandang pakikitungo nito sa kanyang ina

- Ipinahayag ni Oropesa na mali ang pagtrato ni Yulo sa kanyang ina at dapat itong igalang anuman ang naging kasalanan nito

- Binigyang-diin ni Oropesa na ang pagiging mahusay ni Yulo bilang atleta ay dahil sa kanyang ina, at hindi dapat itong ipahiya

- Umani ng iba't ibang reaksyon online ang matapang na pahayag ni Oropesa, at inaabangan ang magiging tugon ni Yulo

Sa isang kontrobersyal na TikTok video, tahasang pinangaralan ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa umano’y hindi magandang pakikitungo nito sa kanyang ina. Sa naturang video, sinabi ni Oropesa, “The way he’s treating his mother is horrible,” at idiniin na mali ang paraan ng pakikitungo ni Yulo sa kanyang magulang.

Read also

Robi Domingo, emosyonal na binahagi ang kanyang hiling sa kaarawan

Elizabeth Oropesa, nagbahagi ng mensahe para kay Carlos Yulo
Elizabeth Oropesa, nagbahagi ng mensahe para kay Carlos Yulo
Source: TikTok

Ayon kay Oropesa, walang lugar sa lipunan ang ganitong klaseng asal, lalo na pagdating sa isang anak na hindi marunong gumalang sa kanyang ina. “Kahit anong sabihin, mali po 'yun. Ang pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad, ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal,” ani pa ng aktres. Idinagdag niya na kahit anong kasalanan ng ina, ito pa rin ay nanay na nararapat igalang at mahalin.

Mas lalo pang uminit ang pahayag ni Oropesa nang sinabi niya, “Tandaan mo, your cells galing sa ina mo... Hanggang mamatay ka, kahit patay na ang ina mo, 'yan ang tutulong sa health mo. 'Yan ang reason kung bakit ang galing mong athlete, t*nga!” Dagdag pa ng aktres, hindi dapat ipinapahiya ni Yulo ang kanyang ina at hindi rin tamang tawagin itong magnanakaw.

Ang matapang na komento ni Oropesa ay mabilis na umani ng atensyon online, kung saan nagkaroon ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen. Sa kabila ng matinding pahayag, marami ang nag-aabang sa magiging tugon ni Yulo o ng kanyang kampo sa mga akusasyon at pananaw ni Elizabeth Oropesa.

Read also

Nawawalang college student, natagpuang naka-baon sa buhangin sa Lingayen, Pangasinan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Elizabeth Oropesa ay isang aktres at beauty queen sa Pilipinas. Siya ay isang Grand Slam Best Actress winner para sa pelikulang Bulaklak Ng Maynila. Sa ngayon, maraming pinagkakaabalahan si 'La Oropesa' na isa ring doctor. Isa rin umano siyang animal advocate. Katunayan, nasa 17 ang aso na kanyang inaalagaan sa kanyang tahanan at marami rin siyang pinakakaing mga pusa.

Sa kasagsagan ng eleksyon noong 2022, naging kontrobersyal ang kanyang pahayag tungkol sa pagpapaputol umano ng kanyang mga paa kung mapatunayan ng mga nag-aakusa na binabayaran sila umanong mga artista sa pagsuporta nila sa nanalong pangulo na si PBBM.

Naikwento ni Elizabeth na nanalo siya sa Miss Philippines sa edad na 15 anyos. Dahil dito, nabawian siya ng titulo, at isinauli ang lahat ng kanyang naging premyo. Maliban sa korona na hindi na nila ibinalik at hanggang ngayon ay nasa kanila pa rin. Bukod sa pagiging isang aktres, isa ring doktor si La Oropesa at aminado na isang supporter ng mga Marcos sa loob ng nasa 37 na taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate