Ina ng Grade 12 student na umano'y pinaslang ng ka-meet na 43-anyos, dumulog na kay Tulfo

Ina ng Grade 12 student na umano'y pinaslang ng ka-meet na 43-anyos, dumulog na kay Tulfo

- Dumulog na sa Raffy Tulfo in Action ang ina ng Grade 12 student na umano'y nakitang walang buhay sa Toledo City

- Doon naikwento rin ng ina ng biktima ang iba pang detalye tungkol sa kanya at sa umano'y seaman na katagpo nito

- Maging ang Chief of Police ng Toledo City sa Cebu ay nagbigay din ng pahayag kaugnay sa pinatutunguhan ng kaso

- Matatandaang kamakailan ay gumulantang ang balita ukol sa Grade 12 student na natagpuang wala nang buhay isa isang lodging room sa nasabing siyudad

Humingi na ng tulong sa programang Raffy Tulfo in Action ang ina ng 18-anyos na grade 12 student na si Mae Fatima Tagactac.

Ina ng Grade 12 student na umano'y pinaslang ng ka-meet na 43-anyos, dumulog na kay Tulfo
Ina ng Grade 12 student na umano'y pinaslang ng ka-meet na 43-anyos, dumulog na kay Tulfo (Mae Fatima Tagactac)
Source: Facebook

Nakapanayam din ng programa si PLTCOL Manolo Salvatierra Chief of Police ng Toledo Police Station sa Cebu.

Doon nasabi nito ang detalye ukol sa suspek na nakilalang si Lobren Cabusan alyas "Richard" Larot. Isang 43-anyos na nagpakilala kay Mae na isa umano siyang seaman.

Read also

Jackie Forster, nag-react sa 'special reveal' post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara

Na-recover umano sa kwarto kung saan nag-check in ang dalawa ang panyong umano'y pinambusal sa biktima gayundin ang pinanggapos dito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inaalam pa kung nahalay ang biktima na siyang makakadagdag pa sa kasong isasampa kay Larot kung ito ay mapatunayan.

Patuloy pa rin ang naturang imbestigasyon lalo na't napag-alaman nilang may nauna nang kaso si Larot sa 'di umano'y pamamaslang sa ama nito. Hindi nga lang umusad ang kasong ito dahilan kung bakit malaya ito at di umano'y nagkaroon ng panibagong biktima.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo' bago pa man siya magwaging senador sa 2022 national elections. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 28.2 million subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Kyline Alcantara, nag-share ng picture nila ni Kobe Paras: "Together with him"

Kamakailan, isa sa mga dumulog sa programa ni RTIA ay ang ina ng batang nasawi sa dikya. Isa sa tinitingnan na nakababahalang anggulo sa nangyari ay ang hindi pagdadala sa bata sa ospital. Wala umanong transportasyon na maaring ipagamit ang resort, kaya't isang guest din sa resort ang boluntaryong tumulong upang madala ang bata sa pagamutan.

Isa rin sa mga pumukaw sa puso ng netizens kamakailan ang mga larawan ng isang staff ng sikat na fast food chain kung saan nagbigay ito ng hindi inaasahang tulong sa isang lolo na nagugutom. Tubig lamang umano ang hiningi ng lolo subalit nang mapansin ng staff na gutom ang matanda, pinakain niya ito ng maayos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica