Fast food employee, viral sa kakaibang tulong sa matandang humingi lang ng tubig
- Naantig ang puso ng marami sa ginawa ng isang fast food employee
- Ito ay dahil sa kakaibang tulong na kanyang ibinigay sa matandang nanghingi ng tubig
- Napag-alaman umano na ang matanda ay matagal nang hinahanap ng pamilya nito
- Tila nanging daan pa umano ang naturang post upang makapiling na muli ng lolo ang kanyang pamilya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Viral kamakailan ang post ng isang netizen sa nasaksihan niyang pagtulong ng isang fast food employee sa lolo na humingi ng tubig.
Sa larawan, makikita ang matanda sa counter ng Jollibee branch Riverbanks, North Triangle, Marikina City na sinasabing humihingi lamang ng tubig.
"Tinanong siya ng supervisor kung kumain na ba siya. Malinaw na gutom na gutom si Tatay," pahayag ng uploader na si Drew Buena.
Subalit sa mga sumunod na larawan, makikita na hindi lamang tubig ang iniabot ng supervisor na may nametag umanong 'Khel'
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Tinitingnan ko siya habang kumakain, dalawang rice at dalawang chicken ang naubos niya—isang spicy at isang regular," dagdag pa ni Drew na aminadong labis na namangha sa kabutihang siya mismo ang nakakita.
"Napagtanto ko na ang kabutihan, kahit simpleng pagtanong o pagbibigay, ay walang kapalit na halaga. Ang tunay na kabutihan ay ginagawa ng pusong wagas at nagmumula sa kalooban. Ang ganitong mga simpleng bagay ang nagpapakita na ang kabutihan ay tunay na isang mahalagang katangian ng isang tao."
Samantala, sa update ng ng News Scooper, sinasabing ang matandang natulungan ng Jollibee employee ay si Pamfilo Amper, 70 anyos na dating driver ng jeep na may biyaheng Malanday - Paco.
Kinumpirma ng anak nito na mayroon pala umanong Alzheimer's disease ang ama, dahilan para madalas itong mawala.
Matapos na mag-viral ang post, naging daan pa ito upang mahanap ni Lolo Pamfilo ang kanyang pamilya.
Matatandaang isa rin sa mga umantig sa puso ng netizens ang kwento ng ama ng triplets na si Joel Regal na nakapanayam ni Toni Gonzaga. Sa naturang interview, kapansin-pansin na naluha na rin si Toni sa umpisa pa lamang ng salaysay ng nasabing panauhin.
Si Joel ay minsan nang nag-viral nang maibahagi niya ang kwento ng pagiging solo parent niya sa kanyang triplets na mga anak. Pumanaw ang kanyang misis sa umano'y naging komplikasyon sa kanyang panganganak. Mula noo'y si Joel na ang nagtaguyod sa kanyang mga prinsesa, sa tulong ng kanyang biyenan at ibang kaanak na nagmamalasakit sa kanilang mag-aama
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh