Chloe San Jose at Carlos Yulo, brand ambassadors ng sikat na dental clinic

Chloe San Jose at Carlos Yulo, brand ambassadors ng sikat na dental clinic

- Opisyal na ipinakilala sina Carlos Yulo at Chloe San Jose bilang brand ambassadors ng Urban Smiles Dental Clinic

- Sa isang post, sinabi ng clinic na bibigyan sila ng habang-buhay na dental care plan

- Ang event ay ginanap sa Festival Mall Alabang branch ng Urban Smiles

- Pinuri ng clinic ang dedikasyon at husay nina Carlos at Chloe sa kanilang mga larangan

Opisyal nang ipinakilala sina Chloe Anjeleigh San Jose at Carlos Edriel Yulo bilang mga bagong brand ambassadors ng kilalang dental clinic na Urban Smiles. Sa isang post ng Urban Smiles, ipinahayag ng clinic ang kanilang kasiyahan sa pagsalubong sa dalawa, kalakip ang ilang larawan mula sa kanilang event sa Festival Mall Alabang branch.

Chloe San Jose at Carlos Yulo, brand ambassadors ng sikat na dental clinic
Chloe San Jose at Carlos Yulo, brand ambassadors ng sikat na dental clinic
Source: Facebook

Sa kanilang post, sinabi ng Urban Smiles:

"Today marks an exciting milestone for Urban Smiles Dental Clinic as we officially welcome Carlos Yulo and Chloe San Jose as our brand ambassadors! 🎉 🥂"

Read also

Pops Fernandez at Martin Nievera, enjoy na enjoy ang pag-aalaga sa kanilang apo

Ayon pa sa kanila, bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon, magkakaroon sina Carlos Yulo at Chloe San Jose ng isang komprehensibong dental care plan habang buhay. Tinitiyak ng klinika na mananatiling maliwanag ang kanilang mga ngiti, kasabay ng pagningning ng kanilang kinabukasan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ibinahagi ng Urban Smiles na ang disiplina, husay, at dedikasyon nina Carlos at Chloe ay sumasalamin sa kanilang pangako na magbigay ng de-kalidad na dental care sa bawat pasyente.

“Together, we’re not just building smiles; we’re building legacies! 🌟🦷” dagdag pa ng post.

Kasama sa post ang mga highlight mula sa espesyal na event, na nagpapakita ng masayang pagtanggap sa dalawang personalidad.

Si Carlos Edriel Yulo ay isang kilalang gymnast mula sa Pilipinas na nagpakitang-gilas sa mga gymnastics competitions, lalo na sa floor exercise at vault. Bata pa lamang si Yulo nang magsimula siyang mag-ensayo, at nagkaroon siya ng pagkakataong mag-aral at magsanay sa Japan, kung saan higit pang nahasa ang kanyang kakayahan. Siya ang unang Pilipino na nagwagi ng gintong medalya sa World Artistic Gymnastics Championships noong 2019.

Read also

Darryl Yap sa beauty tip ni Chloe San Jose: "Alam nyo na paano kakapal ang mukha nyo"

Matatandaang nag-post si Chloe San Jose ng mga larawan mula sa condominium ni Carlos Yulo.Ibinigay ng Megaworld ang P32 milyong condo bilang regalo kay Carlos dahil sa kanyang tagumpay. Pinuri naman ni Carlos ang bagong hairstyle ni Chloe sa social media. Umugong ang espekulasyon ng mga netizen na maaaring naninirahan na si Chloe sa condo ni Carlos.

Samantala, ibinulgar ni Chavit Singson na hindi na makontak ng pamilya niya si Carlos Yulo. Nag-alok si Singson ng P5-M pabuya para sa pagbabati-bati ng pamilya ni Yulo. Hinimok ni Singson si Caloy na unahin ang kanyang pamilya sa kabila ng tagumpay. Patuloy na umaasa si Singson na maaayos ang gusot sa pagitan ni Yulo at ng kanyang pamilya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate