Cherry White, namigay ng ayuda sa kasagsagan ng baha

Cherry White, namigay ng ayuda sa kasagsagan ng baha

- Sa kasagsagan ng baha dahil sa sama ng lagay ng panahon dulot ng bagyong Carina, ilang personalidad ang namataang tumulong

- Sa kasagsagan ng baha dahil sa sama ng lagay ng panahon dulot ng bagyong Carina, ilang personalidad ang namataang tumulong- Sa kasagsagan ng baha dahil sa sama ng lagay ng panahon dulot ng bagyong Carina, ilang personalidad ang namataang tumulong

- Ang content creator na si Cherry White ay personal na sumama upang maghatid ng ayuda sa mga sinalanta ng baha

- Pinagsama-sama nila sa isang inflatable pool ang mga pagkaing pinamigay nila upang mas madali itong madala sa looban

- Marami ang bumilib sa kanya dahil bukod sa pagtulong niya ay wala itong arte na lumusong sa tubig baha at nakipagbiruan pa sa mga tao

Sa gitna ng malakas na ulan at matinding pagbaha dulot ng bagyong Carina, maraming kababayan natin ang nahirapan at nawalan ng tirahan. Sa ganitong mga panahon, lumalabas ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit ng bawat Pilipino.

Read also

Taho vendor na sinubukang maglako sa kasagsagan ni 'Carina,' hinangaan ng marami

Cherry White, namigay ng ayuda sa kasagsagan ng baha
Cherry White, namigay ng ayuda sa kasagsagan ng baha
Source: Facebook

Isa sa mga personalidad na namataan na tumulong nang walang pag-aalinlangan ay ang kilalang content creator na si Cherry White.Isa sa mga personalidad na namataan na tumulong nang walang pag-aalinlangan ay ang kilalang content creator na si Cherry White.

Hindi inalintana ni Cherry ang panganib at hirap ng sitwasyon. Sa halip, personal siyang sumama sa pamamahagi ng ayuda sa mga sinalanta ng baha. Sa kanyang Facebook post, makikita ang dedikasyon at pagkakaisa ng kanilang grupo. Pinagsama-sama nila sa isang inflatable pool ang mga pagkaing kanilang ipinamigay upang mas madali itong madala sa mga looban na lubog na sa tubig baha. Ang makabagong ideyang ito ay naging epektibo at mabilis na nakapaghatid ng tulong sa mga nangangailangan.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bukod sa kanyang pagtulong, marami ang bumilib kay Cherry dahil wala siyang arte na lumusong sa tubig baha. Makikita siyang nakipagbiruan at nakipagkwentuhan sa mga tao, nagpapakita ng tunay na malasakit at simpatya sa kanilang kalagayan. Hindi alintana ang pagkapagod at panganib, patuloy siyang nagbigay ng saya at pag-asa sa mga nasalanta.

Read also

Rosmar, binuksan ang kanyang farm para sa mga nasalanta ni Carina: "Libre lang po"

Si Cherry White ang naging karelasyon ng kapwa niya content creator na si Boy Tapang. Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Matatadaang inalmahan ni Boy Tapang ang mga naging pahayag ni MG sa kanyang partner na si Cherry White. Ani Boy Tapang, noong una daw ay nag-message si MG sa kanila na gagawa daw siya ng content na pangpa-hype lang. Aniya, nang mapansin daw ni MG na marami ang views ay gumawa pa ito ng isa pang video. Sinabi din ni Boy Tapang na nakikisawsaw daw ito sa isyu nila dahil trending ang issue.

Nagsalita si Boy Tapang sa dahilan ng hiwalayan nila ni Cherry White. Sa isang live video naglabas ng maaanghang na salita si Boy Tapang at sinabing binubugbog daw siya ni Cherry White. Umabot pa raw sa puntong pinagbantaan nito ang buhay niya gamit ang patalim. Aniya, may mga patunay siya at handa siyang harapin daw ang dating karelasyon kahit umabot sila kay Sen. Tulfo.

Read also

Ninong Ry, pinakita ang sitwasyon ng bahay na pinasok ng tubig baha

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate