PNP, may persons of interest na sa pagkawala ni Geneva Lopez at bf nito

PNP, may persons of interest na sa pagkawala ni Geneva Lopez at bf nito

- May persons of interest na ang PNP sa kaso ng pagkawala ni Geneva Lopez at ng kanyang boyfriend na si Yitshak Cohen

- Bumuo ang PNP ng Special Investigation Task Group (SITG) upang tutukan ang kaso

- Narekober ang sasakyang ginamit ng magkasintahan, at kasama rito ang isang dating pulis na nagsilbing middleman

- Natagpuan sa loob ng sinunog na sasakyan ang mga personal na gamit ng magkasintahan

Ilang tao na ang itinuturing na persons of interest (POI) ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkawala ng beauty pageant contestant mula Pampanga na si Geneva Lopez at ng kanyang Israeli na boyfriend na si Yitshak Cohen.

PNP, may persons of interest na sa pagkawala ni Geneva Lopez at bf nito
PNP, may persons of interest na sa pagkawala ni Geneva Lopez at bf nito
Source: Facebook

Sa isang press conference noong Martes, Hulyo 2, 2024, sinabi ni Colonel Jean Fajardo, PNP chief ng Public Information Office (PIO), na bumuo na sila ng Special Investigation Task Group (SITG) upang tutukan ang kaso.

Read also

BINI Colet, nakatanggap ng bagong blessing mula sa kanyang bayang sinilangan

Hindi pa isiniwalat ni Fajardo ang mga pagkakakilanlan ng mga POI at kung ilan ang mga ito upang hindi ma-kompromiso ang imbestigasyon.

Huling nakita sina Lopez at Cohen noong Hunyo 21 bago sila nagtungo sa Barangay Armenia sa Tarlac City upang tingnan ang isang property na balak nilang bilhin.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Fajardo, nakarekober ang mga imbestigador ng isang sasakyan na pinaniniwalaang ginamit ng mga kasamahan ng magkasintahan, kabilang ang isang dating pulis na nagsilbing middleman.

Sinabi niyang tinutukoy na ang kasalukuyang may-ari ng sasakyan, at ayon sa orihinal na may-ari na nakasaad sa rehistro, naibenta na ang kotse.

Nauna nang natagpuan ng lokal na pulisya ang sasakyan na ginamit ng magkasintahan ngunit ito’y sinunog na. Narekober din nila ang mga gadgets at iba pang personal na gamit sa loob ng nasunog na sasakyan. Pinaniniwalaan ng pulisya na ang mga bagay na ito ay pag-aari ng kandidata ng Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024.

Read also

Sarah G, kinagiliwan sa sampol niya ng 'Salamin, salamin'

Si Geneva Lopez, 27-anyos na modelo at kilalang beauty queen, ay naiulat na nawawala kasama ang kanyang nobyo na si Yitshak Cohen, isang 37-anyos na Israeli national, mula pa noong Biyernes, Hunyo 21, 2024. Ayon sa mga kaibigan at pamilya ng dalawa, huling nakita ang magkasintahan sa Tarlac Province, na matatagpuan sa hilaga ng Maynila.

Marami ang nabahala sa balitang ito lalo at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin na-solve ang kaso ng nawalang beauty queen din na si Catherine Camilon. Nabasura ang reklamo sa tinuturong suspek sa pagkawala niya dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya. Gayunpaman, sinigurado ng PNP na iaapela nila ang desisyong ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel