Reklamo laban sa suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon, binasura ng piskalya
- Ang mga kaso laban kay dating Police Major Allan de Castro at kanyang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay kaugnay sa pagkawala ni Catherine Camilon ay ibinasura ng piskalya
- Ayon sa ulat ng 24 Oras, tinanggal ng regional prosecutor ang mga reklamong kidnapping at serious illegal detention laban sa mga suspek dahil sa kakulangan ng ebidensya
- Bago ang desisyong ito, ipinakita ng mga naunang imbestigasyon ng pulisya na huling nakita si Camilon kasama si de Castro bago siya nawala
- Ang pagkawala ni Camilon, isang beauty pageant contestant, ay nagdulot ng malaking usapin sa komunidad, ngunit walang sapat na ebidensyang mag-uugnay kay de Castro at Magpantay sa kanyang pagkawala
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Binanggit ng pulisya nitong Huwebes na ibinasura ng piskalya ang mga reklamong kidnapping at illegal detention laban kay dating pulis Major Allan de Castro at driver niyang si Jeffrey Magpantay dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Ayon sa PNP spokesperson na si Police Col. Jean Fajardo, hindi napatunayan sa ipinresentang ibedensiya na may conspiracy sa mga respondents na sina De Castro, Magpantay at dalawa pang hindi pa napapangalanang akusado.
Dagdag pa ni Fajardo, ang larawan nina Camilon at De Castro na isinumite ng pulisya ay hindi kinonsidera bilang sapat na ebidensya para sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
"Ang pictures po na nagpapakita di umano si Major De Castro at Ms. Catherine ay allegedly kissing does not prove kidnapping and serious illegal detention although it may prove the relationship between De Castro and Camilon although ito ay idineny ni De Castro sa isinubmit na counter affidavit," dagdag niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Tinukoy din ng piskalya ang kakulangan ng ebidensyang may kaugnayan sa dugo sa mga sasakyan at ang integridad ng mga larawan na ipinakita ng mga saksi.
Ang Calabarzon police naman ay nagsabing magsusumite sila ng motion for reconsideration.
Ang pangunahing suspek na si Allan De Castro ay na-dismiss na sa serbisyo ng pulisya noong mas maaga pa ngayong taon. Bagaman kinumpirma ni De Castro ang kanyang relasyon kay Camilon, nanatili siyang tahimik tungkol sa pagkawala ng beauty queen.
Si Catherine Camilon ay isa sa naging kalahok sa Miss Grand Philippines 2023. Naging usap-usapan siya matapos mapabalita noong ika-12 ng Oktubre ang tungkol sa kanyang pagkawala.
Simula October 12 ay nireport na siyang missing. Ang kapatid niyang si Chin-chin Camillon ang nag-post sa Facebook upang humingi ng tulong sa paghahanap ng kanyang kapatid na bukod sa pagiging isang beauty queen ay isa ding teacher. Naibahagi niya ang ilang detalye kabilang na ang edad nito na 26 taong gulang at ang height nito na 5'6". Binahagi niya rin ang picture ng plate number ng sasakyan ng kanyang kapatid.
Sumuko sa Balayan Municipal Police Station ang isa sa tinuturong sangkot sa pagkawala ng beauty queen. Ito ang driver at personal bodyguard ni Police Major Allan De Castro, ang tinuturong pangunahing suspek. Kinilalang si Jeffrey Magpantay ang naturang driver na kinilala ng dalawang saksi na siyang nanutok ng baril sa kanila nang makita nila ang duguang babae na sinasakay sa pulang SUV. Hindi naman nagbigay ng pahayag si Magpantay at hindi din niya sinabi kung may pagbabanta ba sa kanyang buhay kaya mas pinili niyang sumuko na lang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh