Ivana Alawi, Php 2 million ang mother's day gift sa kanyang Mama

Ivana Alawi, Php 2 million ang mother's day gift sa kanyang Mama

- 2 million pesos ang regalo ni Ivana Alawi sa kanyang ina noong Mother's Day

- Bukod sa tinupad din nito ang hiling na kumain ng isda, ipinasyal na rin niya ito

- Nagawa rin nilang mamingwit ng isda na kanilang kakainin at ang bawat mahuhuli ay may halagang 200,000 pesos

- Dahil sampu ang kanilang nahuli, umabot sa php2 million ang regalo ni Ivana sa ina na walang pagsidlan ng kaligayahan

Abot-abot ang pasasalamat ni Mama Alawi sa mga regalong handog sa kanya ng kanyang mga anak lalo na si Ivana.

Ivana Alawi, Php 2 million ang mother's day gift sa kanyang Mama
Ivana Alawi kasama ang kanyang Mama (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Siniguro kasi ng aktres na mapasaya si Mama Alawi sa araw ng mga ina na pinagdiwang noong Mayo 12.

Una, tinanong muna ni Ivana kung anong gustong kainin ng kanyang mama. Nang malaman niyang isda, naisipan niyang dalhin ito sa isang adventure resort sa Pampanga kung saan pwede pa silang mangisda.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

Ang hindi alam ng kanyang mama. ang bawat mahuhuli nilang isda ay may katumbas na Php 200,000.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

At dahil inabot ito ng 10 piraso, tumataginting na Php2 million pesos ang natanggap ni Mama Alawi mula kay Ivana.

Maging sina Mona at Hash ay nagbigay din ng regalo sa kanilang ina na labis-labis ang saya sa araw nila.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ivana Alawi YouTube:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 17.5 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa mga vlogs ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Read also

Zeinab Harake, kumasa sa Marimar trend; inspirasyon si Marian Rivera

Sa isa sa pinakabagong vlog ni Ivana, nakatulong din siya sa marami dahil sa mga bumibili sa kanya sa pagkukunwaring isang sampaguita vendor, pinapalitan niya ng x1000 ang ibinabayad sa kanya para sa sampaguita. Bukod dito, ang lahat umano ng kikitain ng naturang video ay ihahandog niyang donasyon sa Antipolo church.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel