Majo aka You Do Note Girl, umalma sa mga body shamers
- Inalmahan ni Majo o kilala bilang si You Do Note Girl ang body shamers sa kanyang Asoka Entry
- Ani Majo, hindi dapat hinahayaan ang body shaming lalo na at normal lang naman daw ang pagkakaroon ng buhok sa kilikili
- Aniya, pare-parehas lang naman ang lahat na nilalang ng Panginoon at ang tao lang ang nag-iisip ng masama sa kapwa
- Hinimok din din ni Majo ang lahat na maging makatao at manatiling maging makabayan
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa gitna ng kanyang kamakailang pakikisali sa uso ng Asoka makeup challenge, hindi inaasahang naharap si Majo sa mga negatibong komento tungkol sa kanyang katawan sa social media.
Maraming netizens ang nagbigay-pansin sa kanyang pisikal na anyo, na nagpa-usbong ng diskusyon tungkol sa pamantayan ng lipunan sa kagandahan. Habang marami ang mabilis na umalalay at sumuporta kay Majo, may ilan pa ring pilit na namintas.Maraming netizens ang nagbigay-pansin sa kanyang pisikal na anyo, na nagpa-usbong ng diskusyon tungkol sa pamantayan ng lipunan sa kagandahan. Habang marami ang mabilis na umalalay at sumuporta kay Majo, may ilan pa ring pilit na namintas.
Bilang tugon, nagpahayag si Majo sa kanyang Facebook, kung saan karamihan ng mga negatibong komento ay nai-post.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Aniya, sana ay huwag gawing normal ang body shaming. Lalo na kung ito ay tungkol sa natural na bagay tulad ng pagkakaroon ng buhok sa kili-kili.
Binigyang-diin ni Majo ang pagkakapantay-pantay ng bawat indibidwal at hinikayat ang kanyang mga tagasubaybay na iwasan ang pagtataglay ng negatibong damdamin laban sa iba.
"Pare-parehas lang tayong nilikha ng Panginoon sa kanyang wangis. Wala tayong pinagkaiba. Tayo lang ang nag-iisip ng hindi maganda sa kapwa natin," diin pa niya.
Si Majo, na ngayon ay kinikilalang influencer, ay unang nakilala sa kanyang paggaya sa mga linya nina Andrea Brillantes at Francine Diaz mula sa sikat na palabas na "Kadenang Ginto". Sumikat siya nang makasama niya si Andrea, ang lead actress ng palabas, sa isang episode ng "Gandang Gabi Vice".
Matapos ang kasikatang natamo dahil sa nagviral na video, tuloy-tuloy ang buhos ng swerte sa batang si si Marjorie. Nakilala siya sa bansag na You do note Cassie dahil sa kanyang panggagaya sa mga bida ng Kadenang Ginto. Makakasama na diumano siya sa teleserye ayon sa isa sa mga direktor ng nasabing palabas.
Ibinahagi ni Majo Lingat o kilala din sa bansag na ‘You Do Note’ girl ang picture nila ni Vice Ganda. Sa kanyang post ay pinakita niya ang picture nila na kuha noong 2019 at yung picture nilang nakuhanan ngayong taon. Marami ang nagulat na parang ang bilis lang ng panahon at ngayon ay dalagita na si Majo. Matatandaang nag-guest dati si Majo sa Gandang Gabi Vice kung saan nakasama niya ang Gold Squad na kinabibilangan nina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Sethe Fedelin at Kyle Echarri.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh