You do note girl, makikipagsabayan na kina Marga at Cassie sa Kadenang Ginto

You do note girl, makikipagsabayan na kina Marga at Cassie sa Kadenang Ginto

- Matapos ang kasikatang natamo dahil sa nagviral na video, tuloy-tuloy ang buhos ng swerte sa batang si si Marjorie

- Nakilala siya sa bansag na You do note Cassie dahil sa kanyang panggagaya sa mga bida ng Kadenang Ginto

- Makakasama na diumano siya sa teleserye ayon sa isa sa mga direktor ng nasabing palabas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami pa rin ang naaaliw sa batang si Marjorie na unang nakilala dahil sa kanyang viral na videos kung saan ginagaya niya ang mga linya sa Kadenang Ginto.

Binansagang si You do note Cassie ang 9 na taong gulang na si Marjorie.

Napag-alaman ng Kami na pinagpaplanuhan na ipasok siya sa Kadenang Ginto ayon na rin sa isa sa mga direktor ng palabas na si Jojo Saguin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil medyo alanganin ang kanyang edad upang maging estudyante sa Maxwell, pinag-iisipan pa kung ano ang magiging role ng bata.

Bukod pa dito, napasama na rin siya sa guesting ng Gold Squad sa programa ni Vice Ganda na GGV na ipapalabas ngayong Linggo, July 28.

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang picture ni Marjorie kasama ang isa sa mga bida ng Kadenang Ginto na si Kyle Echarri

Ang Kadenang Ginto ay isang teleserye ng Kapamilya Network na pinagbibidahan nina Francine Diaz, Andrea Brillantes, Beauty Gonzalez, Albert Martinez, Dimples Romana, at Adrian Alandy.

POPULAR: Read more entertainment news here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Sino Ang Sumulat Ng Florante At Laura? | HumanMeter

Human Meter hits the streets and asked random people some tricky questions. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel