Babaeng biktima ng pamamaril sa bus sa Nueva Ecija, may video umano ng kanyang habilin

Babaeng biktima ng pamamaril sa bus sa Nueva Ecija, may video umano ng kanyang habilin

- Isinapubliko ng News5 ang bahagi ng video kung saan naghabilin ang babaeng biktima ng pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija

- Kuha umano ito noong Marso ng kasalukuyang taon nang sila umano ay magkaalitang mag-ina

- Ito ang sinasabing dahilan bakit naging person of interest ngayon ang nag-iisang anak ng babaeng biktima

- Mariin naman itong itinanggi ng anak na nakapanayam mismo ng News5

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang kaanak umano ng babaeng biktima ng pamamaril sa loob ng isang bus sa Nueva Ecija ang nagbigay ng kopya ng video ng naging habilin nito.

Babaeng biktima ng pamamaril sa bus sa Nueva Ecija, may video umano ng kanyang habilin
Babaeng biktima ng pamamaril sa bus sa Nueva Ecija, may video umano ng kanyang habilin
Source: Facebook

March 2023 kuha ang recorded video ng ginang na sa panahong iyon, sinasabing nakaalitan nito ang kanyang sariling anak.

Sa video, naglalabas umano ng sama ng loob ang biktima sa nag-iisang anak.

Read also

Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"

"Ginawa ko itong video na ito para sabihin na ang aking anak ay walang karapatang mag-stay sa bahay ko o kumuha ng mga ani"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanya umanong mga kapatid at hindi sa kanyang anak ibinilin ang kanyang mga ari-arian.

"Tinatanggalan ko siya ng karapatan dahil alam naman niya na naghati na kami. Ginawa ko ang lahat para maayos ko ang buhay niya pero ano ang ignanti niya?"

Isang buwan matapos i-record ang video na ito, nagawa pa ng biktima na idemanda ang sariling anak sa kasong robbery at carnapping.

Nito lamang nobyembre 8, nagkaroon ng settlement sa nasabing kaso at nagkaayos na umano ang magkabilang kampo ayon sa abogado ng anak.

Sa ekslusibong panayam ng News5 sa anak ng biktima na kanilang nadatnan sa burol ng biktima, mariin nitong tinanggi na siya mismo ang nagpakitil sa buhay ng kanyang ina.

Read also

Kasalan sa Saranggani, sapul sa video nang yanigin ng 7.2 magnitude na lindol

"Sila mapang-isip, mag-isa akong anak, nanay ko 'yan, utos ko bang ipatumba yan?"
"Pangit ang sisi nila sa aking lahat. Porke't nagkakaso kami ng nanay ko, ako agad..."

Nagbabalak din umano ang pamilya ng biktima sulatan ang bus company na umano'y naging daan sa pagkalat pa ng dashcam video na kuha sa aktwal na pamamaril sa mga biktima.

Trauma umano ang dulot nito sa kanila na tila nauna pang malaman ng publiko ang pangyayaring ito dahil sa pagkalat ng video ng mismong pamamaslang.

Narito ang kabuuan pang mga detalye:

Isa sa mga viral na kaso na tinutukan ng publiko sa social media ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito. Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Read also

Anak ng isa sa biktima ng pamamaril sa loob ng bus, posibleng person of interest ayon sa PNP

Matatandaang ang pagkawala ni Jovelyn Galleno, 22-anyos na dalagang mula sa Palawan ay tinutukan din. Siya ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan para makatulong sa pamilya niya. Matatandaang noong August 5, 2022 siya nawala ngunit matapos ang mahigit isang linggo ay hindi pa rin ito nahahanap. Pinagpatuloy ang imbistigasyon ng otoridad sa kaso lalo at tinututukan ito ng publiko at naipalabas pa ito sa Raffy Tulfo in Action. Kinalaunan ay nasara din ang kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica